05/11/2022
Sa panahon na lahat ay disposable, Huwag sana isama ang marriage 🙏
Plato, Kutsara, Baso, Tissue, Diaper at iba pa disposable na.
Huwag natin sana isama ang Marriage sa disposable.
Walang perfect couple,
Walang perfect marriage..
Pero sa kabila ng flaws, imperfections..
Dapat araw-araw natin piliin ang isa't isa..
May ilan tips tayo:
𝟭. 𝗠𝗮𝗴 𝗶𝗻𝘃𝗲𝘀𝘁 𝘀𝗮 𝗿𝗲𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀𝗵𝗶𝗽
Hindi lang sa banko at stock market ang investment mas lalo na sa relationship. Mag-date, umattend ng seminar, bumili ng book, mag invest sa oras. Mag "we time" kahit may mga anak na (kahit sa bahay ay mag-date). ❤️
𝟮. 𝗠𝗮𝗴 𝘀𝗲𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗿𝗴𝗶𝗻
Importante na may malinaw na rules tayo at margin. Sa amin mag asawa ang ilan sa mga napagkasunduan naman ay hindi kami pwede magkaroon ng BFF na opposite s*x. Alam namin ang password ng bawat isa. Walang taguan ng cellphone except kung may surprise! 😁
𝟯. 𝗚𝗿𝗼𝘄 𝗧𝗼𝗴𝗲𝘁𝗵𝗲𝗿
May nabasa kami na araw-araw ay nag go-grow tayo as a person. Kaya kapag nag-uusap kayong mag-asawa palagi, pareho kayong nag go grow ng sabay.
Bukod pa dyan na ang married life hindi naman happy moments lang. May trials at challenges pero kapag committed kayo na tatanda kayong magkasama, sabay din kayo haharap sa mga pagsubok na nagpapa mature talaga ng isa't isa.
Higit sa lahat, grow together in your spiritual life. Ito talaga ang best marriage advice, ang marriage ay hindi lang contract kundi covenant yan with God. Kaya importante na spiritually ay mag grow din ang bawat mag-asawa.
Magbasa ng Bible together, magdasal, sumali sa mga couples group at umattend ng mga marriage seminar.
Hindi kami perfect, walang ganun.
Pero napapatawad namin ang isat isa araw-araw dahil sa grace ni Lord.
Momshies and Daddies, Let us honor our commitment with each other and to God.
"𝘐𝘵 𝘪𝘴 𝘯𝘰𝘵 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘴𝘶𝘴𝘵𝘢𝘪𝘯𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘢𝘳𝘳𝘪𝘢𝘨𝘦, 𝘣𝘶𝘵 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘯𝘰𝘸 𝘰𝘯, 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘢𝘳𝘳𝘪𝘢𝘨𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘴𝘶𝘴𝘵𝘢𝘪𝘯𝘴 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘰𝘷𝘦." -𝘿𝙞𝙚𝙩𝙧𝙞𝙘𝙝 𝘽𝙤𝙣𝙝𝙤𝙚𝙛𝙛𝙚𝙧
©TipidMommy