14/07/2026
Sinabi ni VP Sara Duterte na kapag pinatay siya, ipapapatay rin niya ang mga taong binanggit niya. Kung ipagpapalagay nating seryoso ang pahayag na iyon, at kalaunan ay sabihin niyang biro o bluff lamang iyon, paniniwalaan ba ninyo?
Kung totoo nga iyon, bakit hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na resulta ang imbestigasyon? Sa laki ng pondong inilaan para sa intelligence at law enforcement ng NBI at ng Office of the President, bakit hindi pa rin natutukoy kung mayroon nga bang aktuwal na na-hire na assassin o kung ano talaga ang katotohanan sa tinatawag na “Oplan Romanov”?