24/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
O Maria, Ina ng Awa at Reyna ng aming tahanan, patnubayan mo kami na iyong mga anak dito sa lupa ng iyong mapagkalingang pagmamahal. Bigkisin mo kami sa pagkakaisa, pagkakaugnayan at pagbabahaginan sa ngalan ng iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo.
Bago mamatay ang iyong Anak na si Hesus sa Krus ay ipinagkaloob ka Niya sa amin bilang aming Ina na ang puso ay nag-aalab sa pag-ibig sa sangkatauhan. Nawa ay patuloy mong patnubayan at pagningasin ang bokasyon sa pagsunod sa tawag ng Panginoon, kalingain mo at aliwin ang mga manggagawa sa aming bayan lalung-lalo na ang lahat ng mga manggagawang Katoliko sa aming pamayanang Kristiyano at marapatin mong maging matibay ang aming mga puso sa pagsamba sa Panginoong Diyos.
Kasama mo, manatili nawa kaming nananalig kay Kristo bilang aming Daan, Katotohanan at Buhay at sa pamamagitan nito ay lalo pang magningas ang aming pagmamahal at paglilingkod kay Kristo at sa aming kapwa.
O Maria, Nuestra Seรฑora de la Merced,
ipanalangin mo kami. Amen.
Nuestra Seรฑora de la Merced Parish - Bahay Pare