12/05/2025
BREAKING NEWS! Leader ng mga Yatco, Huli sa Pamimili ng Boto!
Sa ikinasang entrapment ngayong umaga ay nahuli ang isang lalaki na kilala bilang Ginoong Paradina, lider umano ng pamilyang Yatco. Hawak na ngayon ng mga awtoridad si Paradina at maaaring humarap sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code na nakasaad sa Section 261 (A) Batas Pambansa Bilang 881, kung saan syay makukulong at magmumulta ng hindi bababa sa sampung libong piso.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta o pagbili ng boto ng mga residente kaya naman ipinapaalala ng Kapulisan na ipagbigay-alam kung kayo ay may ganitong impormasyon na nalalaman.