12/04/2026
๐๐ฑ๐ถ๐๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐น | ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐, ๐๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ ๐ฎ๐ ๐ช๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐๐ฝ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐๐ถ๐ถ๐
โBarya lang sa umagaโ
Ngunit paano kung pati ang barya ay hindi na sapat sa bawat pasada?
Ang patuloy na pagtaas ng langis ay dagdag pasanin para sa mga Pilipinong matagal nang nakikipaglaban sa tumataas na halaga ng pamumuhay. Bagaman malayo ang bansa sa sigalot sa pagitan ng Amerika-Israel at Iran, ramdam ng masa ang epekto nito, na labis na nagpapahirap sa mga ordinaryong Juan tulad ng jeepney driver at mananakay. Minsan, kahit anong kahig, pahirapan pa rin ang may matuka.
Doble ang pagpapahirap ng kasalukuyang giyera sa Middle East, kung saan naiipit ang mga maliit na bansa na nakapedende sa pirepherial countries katulad ng America at Iran na dalawa sa pangunahing nag-aaway. Kung muling babalikan, nakaraang taon pa mayroong tensyon sa dalawang bansa matapos ang naging pagpapasabog ng America sa missile site ng Iran noong June 2025. At ngayong Pebrero 28, 2026, sanib pwersang binomba ng Amerika at Israel ang Iran na sanhi upang mamatay ang Supreme Leader nitong si Ayatollah Ali Khamenei.
Bilang ganti, naglunsad ang Iran ng missile at drone attacks sa southern Israel, mga base militar ng U.S., at ilang kaalyadong bansa sa rehiyon kabilang ang Gulf Cooperation Council (GCC) tulad ng Qatar, Kuwait, Bahrain, Saudi Arabia, at United Arab Emirates (UAE).
Kasunod nito ang tensiyon sa Strait of Hormuz matapos magbanta ang Iran na ganap itong isasara kapag itinuloy ni Donald Trump ang banta ng pag-atake sa mga power plant. Maliit man ang kipot na ito, dito dumaraan ang humigit-kumulang 20% ng pandaigdigang kalakalan ng langis at malaking bahagi ng liquefied natural gas (LNG).
Dito nagsisimula ang mas mabigat na pasanin para sa karaniwang Pilipino. Mula sa dating โฑ54โ57 kada litro ng diesel, pumalo ito sa โฑ62.55 hanggang mahigit โฑ100.00 kada litro ng gasolina depende sa lungsod at octane rating, at bagaman umabot sa triple-digit ang presyo sa ilang lugar kamakailan, inaasahan namang magkakaroon ng rollback sa darating na Martes, Abril 14, 2026, ayon sa fuelprice.ph. Malaking dagok pa rin ito sa mga tricycle drivers, commuter, at pamilyang umaasa sa pampublikong transportasyon, dahil direktang pinapataas nito ang gastos sa pamasahe, transportasyon, at presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sa dulo, hindi lamang presyo ng langis ang tumataas kundi pati antas ng pagtitiis ng mamamayang matagal nang kapos. Habang ang malalaking bansa ay abala sa digmaan at kapangyarihan, ang ordinaryong Pilipino ang muling nagbabayad sa anyo ng mas mahal na pamasahe, mas mabigat na gastusin, at mas mahirap na araw-araw na pamumuhay.
Lahat ay umaaray, walang takas, maging ang probinsya ng Eastern Samar kung saan sa naging panayam sa asosasyon ng mga tricycle drivers sa area ng Eastern Samar State University (ESSU), ibinahagi nila ang hirap na sumabay sa tumataas na presyo ng diesel, gayong mga estudyante lamang ang kanilang inaasahan at naiintindihan nilang pati ang mga ito ay naghihikahos.
Makikita na rin ang pagtaas ng pamasahe, na nagsisimula sa dagdag na 20โ50 pesos depende sa uri ng vehicleโjeep o vanโat maging sa layo ng ruta.
Komplikado ang sitwasyon at alam ito ng marami. Naglatag man ng solusyon ang gobyerno, pansamantala lamang ang epekto nito at hindi pa rin kayang tuldukan ang paghihirap ng Pilipino. Ang pagpapatupad ng four-day week para sa onsite work sa paaralan at ilang sektor ng gobyerno ni Presidente Bongbong Marcos ay praktikal ngunit hindi pangmatagalan. Habang ang ayuda para sa mga tsuper ay ideyal, hindi ito sapat upang matugunan ang dinadaing na mataas na presyo ng diesel at iba pang gasolina.
Ang higit na tatapos sa paghihirap na ito ay kung magkakaroon ng diyalogo sa pagitan ng mga naglalabang bansa, at kung isasaalang-alang na habang tumatagal ay higit na pinahihirapan nito ang buhay ng hindi lamang isa kundi marami pang maliit na miyembro ng lipunan. Para sa atin, kinakailangan ang transparency sa pagtaas ng presyoโisang pamantayan na hahatol sa oil pricing upang maiwasan ang hindi makataong presyo ng langis. Kailangan malaman ng bawat Juanโdriver, mananakay, o simpleng aleโang malinaw na oil price. Hinahati man tayo ng archipelago, nararapat na hindi magkakanya-kanya ang pagpataw sa presyo ng langis. Para sa mas nakatataas, ang kasalukuyang kalagayan ay isang pagpukaw na hindi na sapat ang naunang solusyon, kayaโt kailangan ang mas bagong estratehiya.
Hindi matitimbang ang paghihirap ng lahat, kung umiinda ang mga driver, ganoon rin ang mga estudyante at mamimili. Hindi selektibo ang paghihirap na nararanasan ng bawat isa, kayaโt hindi rin dapat pili ang pagsulong ng reporma at adbokasiya. May hangganan ang pagtitiis sa krisis sa langis, lalo na kung maging ang barya sa umaga ay wala ng halaga.
Dibuho ni Fatima Gereรฑa | The Catalyst Creatives