08/06/2024
Get ready Malimpampang Ballers, hindi lang PBA AT NBA ang may all star day, get excited to experience your 1st SK Cup All Star Day na inihahandog ng TINTA Digital Sublimation Printing kasama ng inyong magigilas na Sangguniang Kabataan ng Malipampang .
Drills Challenge ✅️
3 Pts Shootout ✅️
All Star Game ✅️
Congrats sa lahat ng napili na maging All Players na makakatanggap ng FREE LIMITED SANDO JERSEY ng MALIPAMPANG ALL STAR.
And Sa lahat ng mananalo sa Skills Challenge and 3 Pt Shootout get your cash Prizes and Champ Shirt !
But wait theres more, mag papa raffle din tayo ng 6pcs na BG4500 Molten Ball sa pakikipagtulungan ng inyong butihing Sangguniang Kabataan Chairwoman Melissa Violago at katulong lahat ng kanyang Konsehal at mga Officials.
Lahat ng players ay may pagkakataong manalo, ang kailangan lang ay makiisa at pumunta kayo sa mismong all star day at sumuporta at yun, may pagakakataon na kayong manalo.
Half court shot prizes???????? Secret muna....
See you all !!!
WHO WILL BE THE ALL-STAR PLAYERS FOR THE 1ST SK CUP BASKETBALL LEAGUE? ★
Laban ng mga piling manlalarong may taglay na lakas, galing, disiplina, at respeto sa loob ng basketball court.
Ngayong papalapit na nang papalapit matapos ang elimination round, pa-init na rin nang pa-init ang laban sa pagitan ng bawat teams. Para mas lalo pang mabigyan ng saya ang ating liga, ihahandog ng Sangguniang Kabataan kasama ng Tinta Clothing ang ALL-STAR GAME.
Sa lahat ng 37 teams na mayroon tayo (9 midget, 20 open age, 8 senior), pipili ng ALL-STAR PLAYERS KADA TEAM.
Sa pagpili ng ALL-STAR player, pinagbasehan namin ang mga sumusunod;
- Player’s points from Game 1 to Game 8 (elimination round)
- Player’s attitude inside the court
- Players with no record of unsportsmanship
Ang mapipiling ALL-STAR PLAYER sa kada team ay magkakaroon ng FREE limited edition sando jersey, designed especially para lamang sa mga ALL-STAR players ng Barangay Malipampang.
Magkakaroon din tayo ng mga palaro sa araw ng ALL-STAR GAME para sa ibang players na pupunta upang manood at maki-suporta;
- 3 point shoot out king
- Skills Challenge
- Raffle (Original Molten Ball)
Antabay lang po kayo dito sa aming page para sa mga susunod pang announcement patungkol sa ating ALL-STAR GAME.
Ang pagpo-post po namin ng selected ALL-STAR PLAYERS ay malapit na, kaya follow this page and stay tuned para sa mga susunod pang announcement. Mabuhay at maraming salamat!