20/07/2025
Kamusta VA Geeks?
As a 15-year freelancer, brand strategist, and web designer na nakapag-mentor na rin ng beginners sa VA Designer niche, gusto ko lang i-share ang honest take ko lalo na kung ikaw ay nagsisimula pa lang o medyo pagod na sa VA journey mo.
Napapansin nâyo rin ba? Parang lahat na lang ng nagtuturo ngayon sa mga VA, puro âhow to work for coachesâ ang tinuturo. Kasi karamihan sa kanila, naging VA ng coach, tapos naging coach na rin. So ang tinuturo nila ay based lang sa sariling experience nila, hindi sa mas malaking picture ng freelancing world.
At eto ang reality:
Sobrang dami na ang VA na gusto mag-work for coaches. Kaya maraming nauubusan ng kliyente, maraming nabibitin, at maraming umaasa pero hindi rin nagtatagal.
Bakit risky na ang coaching niche ngayon?
Una, hindi consistent ang income ng karamihan sa coaches. Marami sa kanila side hustle lang ang ginagawa nila.
Pangalawa, kulang sa clients kaya laging affected ang VA.
Pangatlo, gusto ka nilang maging all-around VA.
Ikaw na ang gagawa ng admin tasks, Canva posts, social media calendar, email, tech setup, editing at iba pa.
Pero ang rate na binabayad sa iyo, mababa pa rin.
At pag dumating ang point na wala na silang kita, ikaw ang unang mawawala.
Nakakapagod. Nakakadrain. Nakaka-question ng worth mo.
Kaya kung ikaw ay isang VA na gusto ng mas stable na income, time to consider better and more reliable industries.
Ano ang mga in-demand at long-term niches para sa mga VA ngayon?
1. Homecare or Healthcare Staffing sa US
â
Tumataas ang demand dahil sa aging population.
â
Kailangan ng VAs sa scheduling, recruitment, billing, admin support.
â
Usually long term ang contracts at may tamang budget.
2. E-commerce or Amazon or Shopify brands
â
Consistent ang demand sa customer service, order tracking, returns, inventory support at marami pang iba.
â
Kapag nahanap mo ang right brand, tatagal ka sa kanila.
3. Real Estate sa US, Canada o Australia
â
VA roles dito ay cold calling, appointment setting, CRM management, listing updates.
â
Fast-paced pero rewarding.
4. Digital Marketing Agencies
â
Kung marunong ka sa video editing, content creation, email marketing, reports at SEO support, malaki ang chance mo dito.
â
They value results kaya kung magaling ka, hinding-hindi ka bibitawan.
5. Medical Receptionist or Virtual Front Desk
â
Kailangan sa mga clinics ng VA for appointment setting, follow-ups, insurance forms, and database support.
â
Stable at technical pero kayang matutunan.
Tips ko bilang VA Mentor sa Design Niche:
Una, wag lang sumabay sa uso. Hindi porket VA for coaches ang madalas makita sa newsfeed ay âyun na ang best path.
Pangalawa, mag-invest sa skills na long-term kagaya ng email marketing, CRM, automation, content creation, customer service atbp.
Pangatlo, pumili ng clients na seryoso sa business. Yung hindi lang pa-launch launch tapos mawala na agad.
Pang-apat, tumingin sa mga industriya na may proven demand at growth sa international market.
Hindi ka mahina kung pagod ka na sa niche ng coaches.
In fact, thatâs a sign na gising ka na sa realidad.
Hindi mo kasalanan kung ilang beses ka nang nabitawan.
Baka mali lang talaga ang niche na pinasukan mo.
Now is the perfect time para pumili ng client na may long-term vision.
Pumili ng industry na may direction.
Pumili ng skills na kaya mong i-grow habang tumatagal.
Kung gusto mo ng free roadmap ng top 3 stable niches for 2025 at anong skills ang dapat matutunan, message mo lang ako. Gagawin ko âyan para sa âyo.
Tandaan mo, hindi ka lang basta VA.
You are a skilled service provider.
You are a business partner.
You deserve respect and proper pay.
Laban VA Geeks. Letâs grow and build smarter.