Laguna Capitol Press Corps

Laguna Capitol Press Corps Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Laguna Capitol Press Corps, Media Agency, Laguna Capitol, Capitol.

Laguna Capitol Press Corps
Opisyal na binuo ng mga mamamahayag ng Laguna mula sa larangan ng print, broadcast, at online media, ang Laguna Capitol Press Corps ay nagsisilbing pangunahing samahan ng mga lehitimong tagapaghatid ng balita sa lalawigan.

08/04/2026

ugaling manood like share fallows

๏ฟฝ New to streaming or looking to level up? Check out StreamYard and get $10 discount! ๏ฟฝ

28/03/2026

Panoorin ! Nakapanayam ni LCPC President at Yan Tayo ( DZMM) anchor Noel Alamar si Laguna Governor Sol Aragones ngayong umaga.

27/03/2026

LIVE STREAM| BALITA AT TALAKAYAN

๏ฟฝ New to streaming or looking to level up? Check out StreamYard and get $10 discount! ๏ฟฝ

17/03/2026

Laguna Capitol Press Coprs ladies on the beat! Hawak daw nila ang brief๐Ÿ˜…

Para sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon sa mga kapatid sa pamamahayag . iwasan po ang paninira. Basahin at Intind...
17/02/2026

Para sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon sa mga kapatid sa pamamahayag . iwasan po ang paninira.

Basahin at Intindihin !

OPISYAL NA PAHAYAG

Mariing nililinaw ng Laguna Capitol Press Corps na wala itong ipinapatupad na anumang polisiya, patakaran, o hakbang na naglalayong hadlangan o pagbawalan ang sinumang miyembro ng media na hindi kabilang sa samahan na pumasok at mag-cover ng mga aktibidad, programa, at kaganapan sa Kapitolyo ng Laguna.

Ang Kapitolyo ng Laguna ay isang pampublikong tanggapan at nananatiling bukas para sa lahat ng lehitimong kinatawan ng mediaโ€”mapa-print, broadcast, online, o iba pang platapormaโ€”na nagnanais maghatid ng balita at impormasyon sa mamamayan.

Walang anumang kondisyon, eksklusibidad, o limitasyon na ipinapataw laban sa mga mamamahayag na hindi miyembro ng samahan.

Ang Laguna Capitol Press Corps ay isang organisasyon ng mga mamamahayag na nagkakaisa para sa mas maayos na koordinasyon at propesyonal na ugnayan, subalit hindi ito kailanman naging instrumento upang limitahan ang access ng iba pang media practitioners sa mga pampublikong aktibidad ng Kapitolyo.

Kinikilala at iginagalang ng samahan ang mahalagang papel ng malayang pamamahayag sa pagsusulong ng transparency, pananagutan, at mabuting pamamahala. Naninindigan ito na ang bukas na daloy ng impormasyon ay mahalaga upang mapanatili ang tiwala ng publiko at matiyak na ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan ay naipapaabot nang tama at patas sa mamamayan.

Sa diwa ng pagkakaisa at propesyonalismo, bukas ang Laguna Capitol Press Corps sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa lahat ng media entities para sa mas malawak at mas inklusibong pagbabalita sa Lalawigan ng Laguna.

The Laguna Capitol Press Corps (LCPC) was officially accredited by the Sangguniang Panlalawigan of Laguna on September 2...
06/02/2026

The Laguna Capitol Press Corps (LCPC) was officially accredited by the Sangguniang Panlalawigan of Laguna on September 24, 2025.

17/11/2025

GOOD NEWSโ€ผ๏ธPara sa mga taga 2nd District ng Laguna. Sa Febuary bubuksan na po natin ang Libreng Dialysis Center sa Bay District Hospitalโค๏ธ





06/11/2025
27/09/2025

๐Ÿšจ FAKE NEWS ALERT ๐Ÿšจ

Isa pong MALAKING KASINUNGALINGAN ang mga ganitong klaseng post na malisyoso at nais lamang lituhin ang publiko sa panahon ngayon.

Sa atin pong panunungkulan bilang inyong Congresswoman, hindi kailanman ay nagkaroon ng Php 640B na budget para sa flood control projects sa distrito.

I strongly condemn this baseless accusation. Buong-buo ang ating suporta laban sa korupsyon. Kasalukuyan naming binubuo ang aming komprehensibong ulat sa inyo ukol sa mga flood-control projects sa Calamba.

Salamat sa nagpaalam sa amin nito! Ingat tayo sa fake news and stay safe, mga Calambeรฑo!

27/09/2025

๐Œ๐จ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐‘๐ž๐œ๐จ๐ง๐ฌ๐ข๐๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐ข ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ง๐ฃ๐š๐ง ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐„๐‘ ๐„๐ฃ๐ž๐ซ๐œ๐ข๐ญ๐จ ๐๐ž๐ง๐ฒ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐Ÿ๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐ง๐  ๐’๐‚

Deny with Finality ang naging desisyon ng Supreme Court First Division para sa kasong graft ni Pagsanjan Mayor Jeorge โ€œERโ€ Ejercito Estregan. Ito ay matapos ang Motions for Reconsideration na inihain sa kataas-taasang hukuman ni Ejercito .

Ayon sa mapagkakatiwalaang source, June 30,2025 pa nang magkaroon ng resolution ang SC na nagsasabing Deny reconsideration with Finality ang motion.

Dagdag pa ng source na naka-leave na umano si Ejercito bilang alkalde ng Pagsanjan at si Vice Mayor Januario Ferry Garcia ang acting Mayor ng bayan.

Matatandaang Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol na guilty sa kasong graft o violatiing of Republic Act (RA) 3019 or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act kay Pagsanjan Mayor Jeorge โ€œERโ€ Ejercito Estregan dahil sa paggawad ng kontrata sa hindi lisensiyadong insurance company.

Sa desisyon,hinatulang guilty ng SC First Division sina Ejercito at Marilyn Bruel na may-ari ng First Rapid Care Ventures. Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng United Boatmen Association of Pagsanjan na inakusahan si Ejercito at ilang opisyal na iginawad ang kontrata sa FRCV nang hindi na dumaan sa public bidding.

Sa ilalim ng kontrata, ang FRCV ang naatasan para sa accident insurance sa mga turista at magbabangka sa Pagsanjan Gorge Tourist Zone.

Pero wala palang Certificate of Authority ang FRCV mula sa Insurance Commission at nairehistro lang sa Department of Trade and Industry at Bureau of Internal Revenue limang araw bago ito mag-alok ng serbisyo kay Ejercito.

Kalaunan, kinasuhan sa Sandiganbayan ng Office of the Ombudsman sina Ejercito, Vice Mayor Crisostomo Villar at mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod.

Dumepensa sina Ejercito at Bruel pero hindi sinang-ayunan ng Mataas na Hukuman at iginiit na kailangang dumaan sa public bidding ng kontrata upang maiwasan ang anumang posibleng pagpabor at anomalya.

Pinawalang-sala ng Sandiganbayan ang vice mayor at mga miyembro ng sanggunian, na convict naman sina Ejercito at Bruel dahil walang nakitang ebidensiya na nagbigay sila ng pabor sa FCRV.

Nakita ng Korte Suprema na tahasang binigyan ni Ejercito ang FRCV ng hindi makatwirang pabor dahil sa hindi nito pagsunod sa proseso ng batas.

Nahatulan ang dalawa ng walong taong kulong at permanente na ring binawalan na manungkulan anumang public office.

Ayon sa DILG Calabarzon, wala pa silang natatanggap na impormasyon hinggil dito, pero kung ano man umano ang utos ng korte ay susundin nila .

26/09/2025

In behalf of the Laguna Capitol Press Corps, you have our full support โ€” we stand with you in delivering factual information and fighting fake news.

Let us remember: "๐“๐ก๐ž ๐š๐ซ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐œ๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ข๐ฌ ๐ญ๐ก๐ž ๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ฎ๐š๐ ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐ฅ๐ž๐š๐๐ž๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ."

Mr. Robert Maico emphasized this message during the oath-taking ceremony of the Laguna Information Officers Network (LION).

Laguna Influencers
Southpost PH
Sulong Laguna
Southpost Laguna

Address

Laguna Capitol
Capitol

Telephone

+639267422338

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Laguna Capitol Press Corps posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Laguna Capitol Press Corps:

Share

Category