18/09/2026
ELECTION BAN FOR NOV. 2 BSKE STARTS TODAY
๐๐ซ๐จ๐ก๐ข๐๐ข๐ญ๐๐ ๐๐๐ญ๐ฌ ๐๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ ๐๐จ๐ฏ๐๐ฆ๐๐๐ซ ๐, ๐๐๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง ๐๐ฅ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ
๐ September 18 โ November 1, 2026
1. Use of Public Funds and Hiring in the Government
A. Public Funds & Public Works
-Bawal ang release, disbursement, o paggastos ng public funds nang walang pahintulot mula sa COMELEC.
-Bawal ang construction ng public works, delivery ng materials, at issuance ng treasury warrants at katulad na devices nang walang pahintulot mula sa COMELEC.
B. Government Employment & Privileges
-Bawal ang appointment o pagโhire ng bagong empleyado.
-Bawal ang paglikha at pagโfill ng bagong posisyon.
-Bawal ang promotion o pagbibigay ng salary increase, remuneration, o privilege sa mga kawani ng pamahalaan.
๐ด Reminder: Bawal ang anumang uri ng pagbili at pagbenta ng boto.
(Ang Voteโbuying at voteโselling ay election offense sa ilalim ng Omnibus Election Code [Sec. 261 (a)]. Ang parusa: pagkakakulong mula 1 hanggang 6 na taon, disqualification sa public office, at pagkawala ng karapatang bumoto.)
๐ September 28 โ October 21, 2026
2. Before Campaign Period
-Bawal ang anumang uri ng pangangampanya bago magsimula ang opisyal na campaign period.
๐ October 3 โ November 9, 2026
3. During the Election Period
-GUN BAN: Bawal magdala ng baril o anumang sandata nang walang pahintulot mula sa COMELEC.
-BODYGUARDS: Bawal gumamit ng security personnel o bodyguards ang mga kandidato.
-GOVERNMENT PERSONNEL: Bawal ang paglipat o pagโdetail ng mga kawani ng pamahalaan, kabilang ang mga g**o nang walang pahintulot mula sa COMELEC.
-SUSPENSION: Bawal ang pagsuspinde ng mga halal na opisyal (probinsyal, lungsod, munisipyo, barangay).
-STRIKE FORCES: Bawal ang pagbuo o pagpapanatili ng reaction o strike forces at katulad na grupo.
-PRECINCTS: Bawal ang pagbabago o paglikha ng bagong presinto.
-PUBLIC FUNDS: Bawal ang paglabas ng pondo ng pamahalaan at pagpapatayo ng public works nang walang pahintulot mula sa COMELEC.
-PRISONERS: Bawal ang ilegal na pagpapalaya ng mga bilanggo.
๐ October 3, 2026
4. Hanggang sa Maiproklama ang mga Panalong Kandidato
-WAGERING : Bawal ang pagtaya sa resulta ng halalan.
-ON COMELEC OFFICIALS AND PERSONNEL: Bawal ang pamimilit, pagbabanta, pananakot, o paghahasik ng takot sa isang Election Official o Employee habang ginagampanan nito ang kanyang mga tungkulin o gawain kaugnay ng halalan.
๐ October 22 โ October 31, 2026
5. During the Campaign Period
-Bawal tanggalin, sirain, o pakialaman ang mga legal na campaign materials.
-Bawal magโpost o mamahagi ng ipinagbabawal na campaign materials.
-Bawal magbigay ng anumang donasyon o regalo, in cash or in kind.
-Bawal magโappoint ng special policemen, special/confidential agents at iba pang tulad nito.
-Bawal gumamit ng armored land at water vehicle o aircraft.
-Bawal iโassign ang mga pulis at provincial guards bilang bodyguards ng public officials o kandidato.
๐ November 1, 2026
6. Eve of Election Day
-Bawal ang pangangampanya.
-Bawal ang pagbebenta, pagbibigay, pagโaalok, pagbili, paghahain, o pagโinom ng nakalalasing na alak. LIQUOR BAN.
-Bawal ang pagpapalabas ng pampublikong pondo, kabilang ang mga pondo para sa AICS, AKAP, at TUPAD, maliban sa tulongโpampalibing at tulongโmedikal.
-Bawal ang pagbibigay at pagtanggap ng libreng transportasyon, pagkain, inumin, at mga bagay na may halaga.
๐ November 2, 2026
7. Election Day
-Bawal ang pangangampanya.
-Bawal ang pagbebenta, pagbibigay, pagโaalok, pagbili, paghahain, o pagโinom ng nakalalasing na alak. LIQUOR BAN.
-Bawal ang paggamit ng affidavit ng botante ng ibang tao para sa layuning bumoto, nagtagumpay man o hindi ang taong iyon sa pagboto.
-Bawal ang pagsira, pagpapalit, o pagkuha ng anumang election paraphernalia o dokumento, o ballot box na naglalaman ng mga opisyal na balota o iba pang dokumentong ginagamit sa halalan.
-Bawal ang pagboto nang higit sa isang beses o ang pagboto kapalit ng ibang tao.
-Bawal ang panghihingi ng boto o propaganda para o laban sa sinumang kandidato sa loob ng polling place o sa loob ng 30 metro mula rito.
-Bawal ang pagbubukas ng mga booth o puwesto para sa pagbebenta at iba pang paninda, kalakal, o mga pampalamig at pagkain, sa loob ng radius na 30 metro mula sa polling place.
-Bawal ang pagbibigay at pagtanggap ng libreng transportasyon, pagkain, inumin, at mga bagay na may halaga.
-Bawal ang pagsasagawa ng mga perya, sabong, boksing, karera ng kabayo, o mga katulad na paligsahang pampalakasan.
Sanggunian: COMELEC Resolution No. 11191 (January 28, 2026)