Kami ay Mindanaoan

Kami ay Mindanaoan Where Mindanaoans find what matters most.

25/09/2026
25/09/2026
25/09/2026

MULA DEATH ROW HANGGANG KALAYAAN

Mula sa pagkakaaresto sa Indonesia noong 2010 at pagkakahatol ng kamatayan, hanggang sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 2024 at pagkakaloob ng absolute pardon - mahigit isang dekada ang itinagal ng kaso ni Mary Jane Veloso.

Umani ng pandaigdigang atensyon ang kanyang kaso matapos niyang igiit na wala siyang alam sa drogang natagpuan sa kanyang maleta at nalinlang umano siya ng kanyang mga recruiter.

Matapos ang mahabang panahon sa kulungan, malaya na ngayon si Mary Jane Veloso.

đź“·Ctto

5.0 CSV News

VP SARA DUMALO SA ROTARY CLUB OF GOLDEN FRIENDSHIP CEREMONYDumalo si Vice President Sara Duterte sa 4th Induction and Ha...
25/09/2026

VP SARA DUMALO SA ROTARY CLUB OF GOLDEN FRIENDSHIP CEREMONY

Dumalo si Vice President Sara Duterte sa 4th Induction and Handover Ceremony ng Rotary Club of Golden Friendship na ginanap sa Pearlmont Hotel sa Cagayan de Oro City.
Nagpasalamat si Duterte sa imbitasyon at binati ang bagong pamunuan ng organisasyon. Pinuri rin niya ang patuloy na mga programa ng Rotary Club na naglalayong makatulong sa mga Pilipino.
Hinimok niya ang mga mamamayan na magtulungan at magmalasakit sa isa’t isa para sa mas maunlad at matatag na kinabukasan ng bansa.

Ctto

DALAWANG SUNDALO NG 7IB, 6ID BINARIL SA SULTAN KUDARAT, MAGUINDANAO DEL NORTEDalawang sundalo ng 7th Infantry Battalion,...
24/09/2026

DALAWANG SUNDALO NG 7IB, 6ID BINARIL SA SULTAN KUDARAT, MAGUINDANAO DEL NORTE

Dalawang sundalo ng 7th Infantry Battalion, 6th Infantry Division, Philippine Army ang binaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Davao-Cotabato National Highway, Brgy. Ladia, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, bandang 6:10 ng gabi noong Setyembre 23, 2026.
Kinilala ang mga biktima na sina Pfc. Jobert Labuson, 44, at Pfc. John Mark Dumaguing, kapwa miyembro ng Bravo Company. Sakay sila ng motorsiklo nang habulin at pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng puting NMAX.
Narekober sa lugar ang tatlong basyo ng bala na pinaniniwalaang kalibre .45. Agad na isinugod sa pagamutan ang dalawang sundalo habang nagpapatuloy ang intelligence gathering at imbestigasyon upang matukoy ang mga suspek at motibo sa pamamaril.

Ctto

23/09/2026

Iginiit ng defense panel ni Vice President Sara Duterte na 16 na boto ng mga senador-hukom ang dapat kailanganin upang mahatulan siyang guilty sa nagpapatuloy na impeachment trial.

Sa oral arguments sa Senate impeachment court nitong Miyerkules, Setyembre 23, sinabi ni defense lawyer Michael Poa na nakabatay ang kanilang posisyon sa mismong nakasaad sa 1987 Constitution. Para sa depensa, dapat direktang ipatupad ang probisyon sa Konstitusyon at hindi na ito bigyan ng ibang interpretasyon.

“The Supreme Court has reminded us time and time again, that when the law is clear, there’s no room for interpretation. There’s only room for application,” sabi ni Poa.

Sa ilalim ng Article XI, Section 3(6) ng 1987 Constitution, kailangan ang concurrence ng two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado upang magkaroon ng conviction sa impeachment. Ang eksaktong pagbibilang ng kinakailangang boto ay naging usapin sa impeachment court dahil sa sitwasyon ng ilang senador na hindi nakikilahok sa proceedings.

đź“· Senate

5.0 CSV News

Address

Davao City
8000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kami ay Mindanaoan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share