24/09/2026
Tuluyan nang nagkabati at nagkaayos sina Jeni at Megan, sa harap mismo ng kanilang lola na si Amelia.
Ngunit si Vic, hindi pa rin titigil hangga’t hindi niya nasisira ang magandang samahan nina Jeni at Megan. Kaya naman, muli na naman siyang gagawa ng panibagong paraan para pag-awayin ang dalawa.
Pero hindi basta-basta papayag si Jeni na mangyari iyon. Gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang kanilang magandang samahan ni Megan at hindi ito masira dahil sa mga plano ni Vic.
Ano kaya ang susunod na gagawin ni Vic? At hanggang saan lalaban si Jeni para mapanatili ang kanilang magandang samahan?