28/02/2026
Ang Gobernador na may tunay na malasakit sa kapwa.. π«‘
ππ ππ‘πππ πππ πΎππππππ¦πππ ππ’ππ‘ππ πΎπ’πππππ‘πΓ±π ππ πππ πππ’ππ’π¦πππ πππ π πππ ππππ πππ πππππ‘πππ ππ ππππ’ππ’βππ π π ππππππ πΈππ π‘,
Mahigpit po naming hinihikayat ang lahat na sundin ang mga paalala at advisories mula sa ating mga Embahada at Konsulado. Ang inyong kaligtasan ang ating pangunahing prayoridad. Manatiling alerto, iwasan ang mga lugar na may kaguluhan, at panatilihing bukas ang komunikasyon sa inyong pamilya at sa ating mga kinauukulan.
Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sultan Kudarat ay patuloy na nakamonitor at nakaantabay sa sitwasyon. Kami ay nakahandang makipag-ugnayan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at sa Department of Migrant Workers (DMW) upang matiyak na ang ating mga kababayan ay mabibigyan ng kaukulang tulong at suporta kung kinakailangan.
Para sa agarang koordinasyon dito sa lokal, maaaring makipag-ugnayan ang inyong pamilya sa ating PESO Manager na si Jonix Paniagua sa numerong:
π 0917 798 5550
upang kayo ay agad na matuntun, mabigyang pansin, at matulungan.
Ugaliing mag-update sa inyong mga mahal sa buhay at sa ating mga kinauukulan upang mas mapabilis ang anumang kinakailangang aksyon.
Nandito po ang inyong Pamahalaang Panlalawigan, handa at nakaalalay.
Mag-ingat po kayo, mahal naming Kabayan at Kapamilya. π΅π
-π·ππ‘π’ πππ₯ π΄ππ ππππππ πππππ’πππππ‘π’
πΊππ£πππππ