15/10/2019
ANG DAGA
May isang Daga, tuwing siya ay lalabas ng lungga ay hinahabol sya ng pusa, kaya isang araw humiling sya kay bathala "bathala sawang sawa na ako lagi nalang akong hinahabol ng pusa pakiusap gawin muna lang akong pusa" narinig ni bathala ang munting hiling ng Daga at agad sya nitong ginawang pusa. Lumabas ang pusa sa lungga ngunit ang A*o tumahol ng bigla, nagulat ang pusa na dating munting Daga, agad itong tumakbo at bumalik sa lungga, muling humiling na gawin syang a*o para wala ng sino ang sa kanyay aargabyado, muling tinupad ni bathala ang hiling ng Daga mula sa pagiging pusa naging a*o ng bigla. Mayabang na lumabas ang A*o sa lungga ng di sinasadya ang lasing ay nabangga, hinabol sya nito at hinataw ng batuta, muling tumakbo ang a*o na datiy daga, bumalik sa lungga at humiling kay bathala, na sanay ang a*o ay gawin nyang tao, umimik si bathala, Anak kahit ikaw ay gawin kung tao, elepante o maging mabangis na Leon kung ang puso moy daga, daga ka parin.
My mentor onced said, lahat pede ko sayong ituro Being positive, Right attitude, Self motivated, how to Prospect lahat ng yan napagaaralan. Isa lang ang diko maituturo yun yung magkaroon ka ng Lakas Ng Loob dahil kahit anong gawin kong pangmomotivate sayo kung mahina ang loob mo dimo kakayanin ang ginagawa namin. Dika tatagal.
Ito pinaka tumatak sakin, Mindset lang talaga.