IRISH GAIL Carwash

Call

IRISH GAIL Carwash irish gail carwash

05/08/2026

๐Ÿ๐Ÿ:๐ŸŽ๐ŸŽ| ๐๐Œ | ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐๐€๐†๐€๐’๐€ ๐–๐„๐€๐“๐‡๐„๐‘ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ | "๐Œ๐€๐˜๐Œ๐€๐˜" ๐๐”๐Œ๐ˆ๐‹๐ˆ๐’, ๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐ˆ๐“ ๐๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐‹๐Ž๐‚๐Ž๐’ ๐’๐”๐‘โ€“๐ˆ๐‹๐Ž๐‚๐Ž๐’ ๐๐Ž๐‘๐“๐„; ๐“๐‚๐–๐’ ๐๐Ž๐’. ๐Ÿ ๐€๐“ ๐Ÿ ๐๐€๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐† ๐๐€๐Š๐€๐€๐๐†๐€๐“

Mas bumilis ang pagkilos ng Tropical Storm "Maymay" habang patuloy itong papalapit sa Ilocos Surโ€“Ilocos Norte area, ayon sa 11:00 PM Tropical Cyclone Bulletin No. 9 ng PAGASA.

Sa pinakahuling update, kumikilos na ang bagyo pasilangan sa bilis na 20 kilometro bawat oras mula sa dating 10 kilometro bawat oras. Namataan ang sentro nito sa katubigan ng Magsingal, Ilocos Sur, taglay pa rin ang maximum sustained winds na 75 kilometro bawat oras at pagbugsong hanggang 90 kilometro bawat oras.

Nananatiling nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, hilaga at gitnang bahagi ng La Union (Luna, Caba, Santol, Bauang, City of San Fernando, San Juan, Bagulin, Aringay, Bangar, San Gabriel, Burgos, Naguilian, Bacnotan, Sudipen at Balaoan), hilagang-kanlurang bahagi ng Pangasinan (Anda, Bolinao at Bani), kanlurang bahagi ng Apayao (Conner, Kabugao at Calanasan), Abra, kanlurang bahagi ng Kalinga (Pasil, Tinglayan, Balbalan at Lubuagan), kanlurang bahagi ng Mountain Province (Besao, Tadian, Bauko, Sagada, Sabangan, Bontoc at Sadanga), hilagang-kanlurang bahagi ng Benguet (Mankayan, Kapangan, Kibungan, Sablan, Bakun, La Trinidad, Tublay, Atok at Buguias), at hilagang-kanlurang bahagi ng Cagayan (Santa Praxedes at Claveria).

Samantala, nananatili namang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang natitirang bahagi ng La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Mountain Province at Benguet, Ifugao, timog na bahagi ng Babuyan Islands (Calayan Island, Dalupiri Island, Fuga Island at Camiguin Island), natitirang bahagi ng mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, hilagang bahagi ng Zambales (Candelaria, Santa Cruz, Masinloc at Palauig), hilagang bahagi ng Tarlac (Mayantoc, San Clemente, Camiling, Santa Ignacia, Gerona, Paniqui, Moncada, San Manuel, Anao, Ramos, Pura at Victoria), hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, Cuyapo, Talugtug, Nampicuan, Guimba, Science City of Muรฑoz, San Jose City, Pantabangan, Bongabon, Rizal, Llanera, Talavera, Santo Domingo, General Mamerto Natividad, Quezon at Licab), at hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, San Luis at Maria Aurora).

Inaasahang magla-landfall ang Tropical Storm "Maymay" sa paligid ng Ilocos Sur o Ilocos Norte ngayong gabi hanggang madaling araw ng Agosto 6 bago tumawid sa bulubunduking bahagi ng Northern at Central Luzon. Pagkaraan nito, inaasahang hihina ito bilang tropical depression pagsapit ng Huwebes ng umaga at maaari pang maging low pressure area sa hapon o gabi.

Patuloy ding umiiral ang Gale Warning sa kanlurang baybayin ng Northern Luzon. Maaaring umabot sa limang metro ang taas ng alon sa mga baybayin ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan at kanlurang baybayin ng Ilocos Norte, kaya pinapayuhan ang mga mangingisda at lahat ng sasakyang-pandagat na huwag munang pumalaot at manatili sa ligtas na daungan.

Pinapayuhan ang publiko, lalo na ang mga naninirahan sa mga lugar na nasa ilalim ng TCWS Nos. 1 at 2, na manatiling mapagmatyag at subaybayan ang mga susunod na weather bulletin at advisory ng PAGASA para sa mga pinakabagong update.

โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…




PNP PRO1 Public Information Office
PBGEN JOVENCIO S BADUA JR
โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…
Enhanced ๐—”.๐—Ÿ.๐—˜.๐—ฅ.๐—ง.๐—ข. Framework
๐—”nti-criminality and ๐—Ÿaw ๐—˜nforcement through ๐—ฅesponsive and ๐—งransformative ๐—ขrganization

Address

Brgy. Catayagan, Sta. Lucia Ilocos Sur
Ilocos Sur

Telephone

+639455265503

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IRISH GAIL Carwash posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share