31/05/2026
LIBRENG KAPON AT LIGATE, PARA KAY BANTAY AT MINGMING! 🐶🐱
Handog ng City Government of Las Piñas at City Veterinary Services Office, sa pamumuno nina Mayor April Aguilar at Vice Mayor Aguilar, ang free spay at castrate para sa mga alagang a*o at pusa ng fur parents sa lungsod.
Magbubukas ang PRE-REGISTRATION para sa libreng serbisyo sa June 08, Lunes, sa Talon Uno Annex Covered Court. Basahin nang maigi ang ilang paalala para masunod ang tamang proseso sa pagpaparehistro ng inyong fur babies! 🥰
Bahagi pa rin ito ng serbisyong malasakit ng pamahalaang lungsod na abot maging sa ating mga alagang hayop. 💚
Kailangan naka Pet Registration ang ating alaga sa link na ito http://pawnec.com/registration
DAPAT TANDAAN:
-UPDATED RABIES VACCINATION at least 14 days bago ang araw ng kapon.
-Magkakaroon ng libreng bakuna para sa Rabies sa araw ng Pre-Registration,
-Kung ito ay bakunado na, dalhin ang Vaccination Record ng inyong alaga.
-Ang mga alagang hayop ay dapat malusog at walang sakit sa araw ng kapon.
-Simula 6 months - 5 years old lamang ang pwedeng i-kapon.
-Hindi tatanggapin ang mga brachycephalic (PANGO) breeds gaya ng Shih Tzu, Pug, etc.
-Pwede para sa lahat ng Las Piñeros.
- Magdala ng Valid Government ID na nagpapakita ng Las Piñas Residency.
-Only two (2)registered pet per family or household.
-Strictly No Walk-ins, No Waiting List at On-Site Registration sa araw ng Libreng Kapon sa June 27, 2026.
-8 Hours FASTING bago ang opera.
-Ang mga alagang pusa at maliit na a*o ay dapat may sariling carrier o kulungan.
- Ang mga malalaking a*o ay dapat naka tali, leash, o carrier
- Mag dala ng pamunas at p**p bag upang masigurong mapanatili ang kalinisan sa ating venue.
- Magdala ng sariling BALLPEN.