14/08/2026
“Ayaw ko ng insurance kasi hindi naman ako ang makikinabang niyan.”
Ay, teka lang… 😅
Lahat naman ng pinupundar mo, hindi mo rin naman madadala kapag wala ka na.
Bahay? Hindi mo madadala.
Kotse? Hindi mo rin madadala.
Business? Hindi mo rin madadala.
Ari-arian? Sorry, hanggang property papers lang. 😂
Pero here’s the interesting part:
Did you know na may insurance products na may living benefits?
Hindi lahat ng insurance ay “bayad ka lang tapos hintay ng mangyayari.”
May mga policies na may cash value na maaaring lumago over time, at depende sa product, maaari ring magkaroon ng dividends or cash benefits.
May mga insurance products din na may investment component, tulad ng variable life insurance, kung saan may potential for your money to grow through investment funds while providing insurance protection—subject to investment risk and policy terms.
So habang iniisip mo:
“Sayang naman, baka hindi ko naman mapakinabangan.”
Pwede mong tingnan sa ibang perspective:
What if mapakinabangan mo habang buhay ka?
At kung may unexpected event naman habang maliit pa ang naiipon mo, maaaring may insurance benefit na mas malaki kaysa sa naipon mo, depending on your policy.
That’s the beauty of proper financial planning.
Hindi lang “magkano ang babayaran ko?”
Dapat ang tanong:
“Ano ang gusto kong protektahan?”
“Magkano ang kaya kong ilaan?”
“Ano ang benefits na kailangan ko ngayon at sa future?”
At dito nagiging importante ang insurance advisor.
Hindi para pilitin kang bumili.
Kundi para tulungan kang maintindihan ang options at pumili ng product na bagay sa needs, goals, at financial capacity mo.
Kasi hindi naman porke maganda ang policy sa iba, bagay na rin sa’yo.
Insurance is not one-size-fits-all.
Kaya bago ka magsabi ng “Ayaw ko ng insurance,” baka ang kailangan mo muna ay…
“Explain mo nga sa akin kung ano ang bagay sa situation ko.” 😅
Malay mo, hindi pala insurance ang ayaw mo…
Baka yung insurance na hindi mo naiintindihan ang ayaw mo. 😂
Always review the actual policy terms, benefits, charges, and investment risks before buying.