11/02/2026
We just used the wrong label (bobo). Their intelligence was simply too big for a traditional system to measure.
Bakit umaasenso ang mga bobo?
Mabigat pakinggan, oo.
Pero aminin natin,
may mga ganitong kwento sa paligid mo.
May kakilala ka na parang
wala namang masyadong alam noon,
hindi top student,
hindi honor,
hindi bida sa classroom.
Pero ngayon, siya yung may negosyo.
Siya yung may ginagawa.
Siya yung umaasenso.
At ikaw, napapaisip.
βMas matalino naman ako ah.β
βMas nag-aral ako.β
βMas magaling ako.β
So bakit parang siya yung nauuna?
Hindi dahil bobo siya.
Hindi rin dahil mas magaling siya.
Kadalasan, mas mabilis lang siyang kumilos.
Yung mga bobo,
wala pang masyadong alam.
At dahil doon,
wala rin silang masyadong kinakatakutan.
Hindi sila nag-ooverthink.
Hindi nila iniisa-isa lahat ng pwedeng pumalpak.
Hindi nila hinihintay ang perfect timing.
Ang ginagawa lang nila:
Sinusubukan.
Pumalpak?
Sige, subok ulit.
Samantalang ikaw,
alam mo ang risk.
Alam mo ang worst-case.
Alam mo kung gaano kasakit kapag nagkamali.
At dahil alam mo lahat yan,
mas natatagalan kang kumilos.
Hindi ka nauunahan ng mas bobo.
Nauunahan ka ng mas maagang nag-action.
Hindi mo kailangang magpanggap na walang alam.
Ang kailangan,
huwag mong hayaan na pigilan ka ng sobrang pag-iisip.
Sa totoong buhay,
ang umaasenso hindi yung pinakamarunong.
Kadalasan,
yung pinaka-handang sumubok.
yung handang magkamali.