13/08/2026
Kapag maraming bata ang nabakunahan laban sa tigdas, mas nahihirapang kumalat ang virus sa komunidad. Ito ang konsepto ng herd or community immunity—kapag sapat na marami ang may proteksyon, nababawasan ang pagkakataong maipasa ang sakit mula sa isang tao patungo sa iba.
At hindi lang ang mga bakunadong bata ang nakikinabang. Nakakatulong din itong protektahan ang mga sanggol na napakabata pa para mabakunahan at ibang taong hindi maaaring mabakunahan dahil sa ilang kondisyong medikal.
Kaya sa kuwento natin, superhero si Sitta. 🦸♀️
Ang bakuna ang kanyang shield, at ang pagiging bakunado niya ay ambag niya sa mas ligtas na komunidad. 🛡️❤️
💙❤️ Bakunado ang bata. Protektado ang pamilya. Mas ligtas ang komunidad.