22/08/2025
Oh. Huwag gagayahin. Dapat kasi. Alamin muna kung bakit hindi ka naalagaan ng asawa mo. Baka kahit sarili n'ya nga di na niya maalagaan, talos ikaw paalaga ka pa? Duh...👀
’I-CHECK NIYO MUNA KUNG NAAALAGAAN NIYO RIN ‘YUNG HUSBAND NIYO’
Ganito ang inihayag ng aktor na si Zoren Legaspi programa na “Fast Talk with Boy Abunda.”
“Most of the time, pag naghihiwalay ang pamilya, it’s always a point of view ng babae, never point of view ng lalaki,” wika ni Zoren.
“Sabi ko, i-check niyo muna kung naaalagaan niyo rin ’yung husband niyo. Bakit tumawid,” saad niya.
“Wait, you’re justifying. No, I beg to disagree, you are justifying,” pahayag naman ng kanyang asawa na si Carmina Villarroel.
“Otherwise, ang tukso nandiyan eh, lalo na with the social media. May mga private message ’yan eh,” dagdag ni Zoren.
“My point is, kunyari hindi mo inaalagaan ’yung husband mo, eh nandiyan nga ’yung tukso, eh may PM (private message), so du’n na siya simula ng tukso, kasi may mga moments magiging marupok ang lalaki eh,” pagpapatuloy pa nito.
“Okay, puntahan natin. Ikaw ba’y naging marupok in the last 24 years?” tanong ni Boy Abunda.
“Muntik na,” sagot ni Zoren.
“What stopped you?” tanong muli ni Boy.
“Spiritual, that’s why it’s very important,” pahayag pa ni Zoren.
(YouTube/GMA Network)