30/01/2015
SAVE! SAVE! SAVE! Nahihirapan ka ba mag-save ng iyong
kinikita?
Kahit ano ang pag-sasave mo, nauuwi
lang sa wala?
Ginawa mo na ang lahat, pero feel mo na
imposible na maka-save sa liit ng kita? Let me share with you my thoughts on
how to successfully save money. Iniisip ng iba na ang savings ay para lang
sa mga may kaya; para lang sa mga
taong malaki ang kinikita, pero sa totoo
lang kahit sino ay pwedeng mag-ipon.
Ang langgam nga nakakapag-ipon,
paano pa kaya tayong tao na may isip at talino? Yes, magkakaiba tayo ng financial
situation, kaya naman magkakaiba rin
tayo ng kayang ipunin. However,
everyone should be saving (even a small
amount) of money on a regular basis. Pero bakit ang daming excuses ng mga
tao pagdating sa pag-iipon? Ang alam ko
sa lahat ng bagay, “Kung gusto gagawa
ng paraan, kung ayaw maraming
dahilan.” And to be honest with you, all
of those excuses are not valid. Saving is not an issue of amount but
savings is a HABIT.
Ano po yung habit? Pag-uugali. Ito ay
isang bagay na ating ginagawa at
nakasanayan kahit noong maliit ka pa. Ano ang naituro sa iyo ng magulang mo
noong maliit ka pa?
Ano ang nakita mo sa magulang mo?
Ano ang nakaugalian mo noong bata ka
pa? I am so thankful and grateful na
naturuan ako mag-save kahit noong
maliit pa. Na mindset ako ng magulang
ko na hindi ako pwedeng gumastos
hangga't di ako nakaka-save. SAVINGS in not an option but rather a
necessity.
Hindi ako pwedeng gumastos na walang
savings. Because of that mindset, I was able to
start with 10% then it increased to 20%
to 50%; naalala ko na ako ay umabot ng
80%. That was the reason I was able to acquire
and invest at some properties even when
I was still single. Kaya gumanda at
guminhawa ang aking buhay dahil sa
tamang pagmindset ng aking magulang
na ako ay mag-save. Maraming tao ang parating nagbibigay
ng dahilan kung bakit hindi sila
nakakapag-umpisa, sa totoo lang, ang
tanging pamamaraan lang para
makapagumpisa ay MAG-UMPISA. Sa
umpisa lang naman ang mahirap, kapag naumpisahan na bibilis na ang lahat. Bakit nga ba ang hirap mag-umpisang
mag-ipon? Ano nga ba ang mga dahilan
kung bakit hindi nakakaipon ang
karamihan?