Obra Magno

Obra Magno Obra Magno, Works made with Effort, Love and Prayer

๐—›๐—˜๐—ฆ๐—จ๐—ฆ ๐— ๐—”๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—Ÿแด€ษดษข ส™แด€แด›แด€ษดษข สœแด‡๊œฑแดœ๊œฑ ส™ษชสŸแด€ษดษข แดแด€แด‡๊œฑแด›ส€แด ษดษข แด‹แด€ษดสแด€ษดษข แดษขแด€ แด€แด˜แด๊œฑแด›แดสŸ  Ilang kuhang Larawan ng Obra Magno s...
05/01/2026

๐—›๐—˜๐—ฆ๐—จ๐—ฆ ๐— ๐—”๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—Ÿ
แด€ษดษข ส™แด€แด›แด€ษดษข สœแด‡๊œฑแดœ๊œฑ ส™ษชสŸแด€ษดษข แดแด€แด‡๊œฑแด›ส€แด ษดษข แด‹แด€ษดสแด€ษดษข แดษขแด€ แด€แด˜แด๊œฑแด›แดสŸ

Ilang kuhang Larawan ng Obra Magno sa Imahen ng Santo Nino: Hesus Maestro ng mga Apostol. Ang Imahen ay nasa pangangalaga ni: Nero Claudio at pamilya .

๐—›๐—˜๐—ฆ๐—จ๐—ฆ ๐— ๐—”๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—Ÿ,
Maawa ka sa amin!

_____________________________________________

๐†๐‹๐Ž๐‘๐ˆ๐€ ๐ˆ๐ ๐„๐—๐‚๐„๐‹๐’๐ˆ๐’ ๐ƒ๐„๐Ž!Mula po sa bumubuo ng Obra Magno, Isang maiinit na Pagbati ng ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™จ๐™ ๐™ค sa ating lahat! Na...
25/12/2025

๐†๐‹๐Ž๐‘๐ˆ๐€ ๐ˆ๐ ๐„๐—๐‚๐„๐‹๐’๐ˆ๐’ ๐ƒ๐„๐Ž!

Mula po sa bumubuo ng Obra Magno, Isang maiinit na Pagbati ng ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™จ๐™ ๐™ค sa ating lahat! Nawa'y sumaatin ang Pagpapala ng Panginoon, Pagkalooban niya nawa tayo ng kanyang dalisay na pagmamahal at kapayapaan ngayong Kapaskuhan.


๐‘ฏ๐’‚๐’‘๐’‘๐’š ๐‘ฉ๐’Š๐’“๐’•๐’‰๐’…๐’‚๐’š, ๐‘ณ๐’๐’“๐’… ๐‘ฑ๐’†๐’”๐’–๐’” ๐‘ช๐’‰๐’“๐’Š๐’”๐’•!The true meaning and celebration of CHRISTmas! Yearly, every December 25 we celebrate ...
25/12/2025

๐‘ฏ๐’‚๐’‘๐’‘๐’š ๐‘ฉ๐’Š๐’“๐’•๐’‰๐’…๐’‚๐’š, ๐‘ณ๐’๐’“๐’… ๐‘ฑ๐’†๐’”๐’–๐’” ๐‘ช๐’‰๐’“๐’Š๐’”๐’•!

The true meaning and celebration of CHRISTmas! Yearly, every December 25 we celebrate Christmas. For many, Christmas is a day of spending time with family, bonding with friends, receiving gifts and many more. But it is more than that. More than giving gifts, Christmas is a celebration of Christ, how the word of God became flesh. It is the Celebration of the Birth of Christ, how Mary gave birth to the Son of God. Today is December 25th, let's celebrate Christmas full of joy and hope, and put Christ in the center of our celebration

โ€ข ๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ 28 | ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—Ÿ๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—ญ๐—ข ๐—ฅ๐—จ๐—œ๐—ญ ๐——๐—˜ ๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—” Ipinanganak siya sa Binondo, Maynila, Pilipinas noong ika-17 n...
28/09/2025

โ€ข ๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ 28 | ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—Ÿ๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—ญ๐—ข ๐—ฅ๐—จ๐—œ๐—ญ ๐——๐—˜ ๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”

Ipinanganak siya sa Binondo, Maynila, Pilipinas noong ika-17 na siglo sa mga Katolikong magulang. Natuto siyang mag-Tsino mula sa kaniyang ama, habang sa kaniyang ina naman siya ay natutong magsalita ng Tagalog.

Base sa mga dokumento ang mga magulang ay debotong Katoliko. Siya ay pinangalan sa isang martyr noong ikatlong siglo, habang ang kanyang apeliydo ay kinuha sa kanyang tiyo. Siya ay nagsilbi bilang sakristan o ang tumutulong sa pari sa simbahan ng Binondo.

Habang nagtatrabaho siya bilang isang klerk sa simbahan ng Binondo noong 1636 ay pinagbintangan siya sa pagkamatay ng isang Kastila. Nagsagawa ng malawakang pagtutugis kay Lorenzo dahil sa paniniwalang may kinalaman siya sa kaso. Noong napagalaman niya na mayroong isang misyonario na patungong Hapon ay nagtanong siya kung puwede siyang sumama sa kanila. Pinayagan siyang sumakay ng barko, kasama ang mga paring Dominikano.

Noong panahong iyon ay pinarurusahan ng kasugunan (shogunado) ng Tokugawa ang mga Kristiyano sa pamamagitan ng pagdakip o pagpapahirap sa kanila. Noong ika-27 ng Setyembre taong 1637 ay nahuli si Lorenzo at ang kanyang mga kasama at dinala sa burol ng Nishizaka, kung saan ay ibinitin sila pabaligtad sa balon.

Matapos silang pahirapan, si Lorenzo Ruiz ay namatay isang martir noong ika-29 ng Setyembre, taong 1637 sa Nagasaki.

PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ DE MANILA

Amang Mapagmahal, ang Iyong Anak na si Hesukristo ay naghandog ng kanyang buhay para sa kaligtasan ng tanan. Kasihan kami ng iyong pag-ibig upang maihandog ang aming buhay para sa iyo at sa aming kapwa tao. Inakay rin ng mapagpala Mong kamay ang iyong mga lingkod na sina San Lorenzo Ruiz at mga kasama sa lupain ng Hapon upang tularan ang sakripisyo ni Kristo at ipamansag ang Mabuting Balita ng Kaligtasan. Isinasamo namin na sa pamamagitan ng panalangin ng mga banal na martir na kami'y maging matatag sa pananampalataya tulad nila at maging kasangkapan ng pagpapahayag ng mabuting balita sa aming bayan at sa mga bansang nasa paligid namin. Dinggin Mo ang aming kahilingan at ang tanging biyayang aming hinihingi:

(Banggitin ang intensyon)

San Lorenzo Ruiz at mga kasamahan, Ipanalangin ninyo kami.

Amen.



Larawan: Mula sa mga kuhang Katawan Kay San Lorenzo Ruiz de Manila ng Santo Domingo ng Lorenzo Atienza Photography

๐—ข๐—•๐—ฅ๐—” ๐— ๐—”๐—š๐—ก๐—ข ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ž๐—ฆ ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ง๐—ง๐—˜๐——! Spotted at the Paombong Marian Exhibit, the image of the โ€œVirgen de las Floresโ€ vested in the ...
22/09/2025

๐—ข๐—•๐—ฅ๐—” ๐— ๐—”๐—š๐—ก๐—ข ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ž๐—ฆ ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ง๐—ง๐—˜๐——!

Spotted at the Paombong Marian Exhibit, the image of the โ€œVirgen de las Floresโ€ vested in the Pink and Blue vestment made by Obra Magno.

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ 15 | ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—›๐—˜๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—” ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—š๐——๐—”๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—›๐—”๐—ง๐—œ Aba Ginoong Maria, Napupuno ka ng Hapis. Ang Na...
15/09/2025

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ 15 | ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—›๐—˜๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—” ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—š๐——๐—”๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—›๐—”๐—ง๐—œ

Aba Ginoong Maria, Napupuno ka ng Hapis. Ang Nagpakasakit na Panginoon ay Sumasaiyo. Bukod kang Namighati sa Babaeng Lahat at tanging Kaisa ka naman sa Mahal na Pasion ng iyong Anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Manunubos. Bahaginan mo kami ng iyong Pagpapakasakit. Ipanalangin mo Kaming mga Makasalanan na syang naging Dahilan ng kanyang Pagkapako sa Krus. Ngayon at sa Oras ng Aming Kamatayan. Amen.

Credits to the owner of the photo: Isiah Thomas Maclang

๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐€๐†๐Š๐€๐Š๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐๐† ๐๐„๐“๐€๐๐ˆ๐€๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐š, ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š, ๐’๐š๐ง ๐‹๐š๐ณ๐š๐ซ๐จ ๐ง๐  ๐๐ž๐ญ๐š๐ง๐ข๐š29 ng Hulyo, 2025PANALANGIN SA MAGKA...
29/07/2025

๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐€๐†๐Š๐€๐Š๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐๐† ๐๐„๐“๐€๐๐ˆ๐€
๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐š, ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š, ๐’๐š๐ง ๐‹๐š๐ณ๐š๐ซ๐จ ๐ง๐  ๐๐ž๐ญ๐š๐ง๐ข๐š
29 ng Hulyo, 2025

PANALANGIN SA MAGKAKAPATID NA BETANIA

O Diyos Amang makapangyarihan, pinapaging-banal Mo ang pamumuhay nina Marta, Maria at Lazaro ng Betania, dahil sa palagiang pananahan doon ng Iyong Anak.
Ibinigay Ninyo sila sa amin bilang halimbawang aming dapat tularan dahil sa malugod nilang pagtanggap sa pagpisan ng Panginoong Hesus sa kanilang payak na tahanan.

Katulad ni Santa Marta, kami po'y Iyong turuan na matutong maglingkod sa Iyo sa katauhan ng aming kapwa. Sa mga naliligalig, maging kapanatagan nawa kami; sa mga nangangailangan, kami nawa'y maging katugunan; at sa umaasa, maging lakas nawa kami; upang maunawaan namin na ang paglilingkod ay paglalakbay sa landas ng tunay na kabanalan tungo sa Iyong Kaharian at tunay ngang sa bawat araw ng aming buhay ay aming masampalatayanan na si Hesus ang Mesiyas na aming tagapagligtas.

Ipagkaloob Mo, tulad ni Santa Maria, aming matutunan ang nararapat naming gawin lalo't higit sa panahon ngayon na ang sanlibutan ay punรด ng ligalig at hilahil. Patuloy Mo sanang ipabatid sa amin ang kahalagahan ng pakikinig at pagbabahagi ng Iyong salitang nagbibigay buhay, upang magpakailanman ay Ikaw lamang ang aming pupurihin at pararangalan.

Iniluluhog namin sa Iyo Panginoon, na tulad ni San Lazaro , kami nawa'y Iyong hanguin at ibangon sa pagkakahimlay sa dusa at pagkakalugmok sa kasalanan, upang kami'y mapabilang sa kaluwalhatian ng Iyong Kaharian.

Ang mga panalangin nawa ng mga banal na kaibigan ng Anak Mong mahal--Marta, Maria, at Lazaro ng Betania--ang magpagin-dapat sa aming tanggapin ang kinakailangan naming tulong at biyaya mula sa Iyo.

Isinasamo namin ang dalanging ito kay Hesukristong aming Panginoon, kasama Mo at ng Espiritu Santo, nabubuhay at naghahari, magpasawalang hangggan. Amen.

Santa Marta ng Betania,
Ipanalangin mo kami!

San Lazaro ng Betania,
Ipanalangin mo kami!

Santa Maria ng Betania,
Ipanalangin mo kami!

________________________________________________

Credits to the owner of the photos: Ryley Jan Ramos

Credits For the Caption: Baclaran Ng Bulacan

HULYO 27 | SAN TITUS BRANDSMA, PARI AT MARTIRPatron Titular ng Probinsya ng Carmel sa PilipinasSi San Tito (Titus) Brand...
27/07/2025

HULYO 27 | SAN TITUS BRANDSMA, PARI AT MARTIR
Patron Titular ng Probinsya ng Carmel sa Pilipinas

Si San Tito (Titus) Brandsma ay isang Carmelitang pari, kilalang propesor, scholar at mamamahayag na taga-Netherlands.
Nang sakupin ng mga N**i ang Netherlands, naging walang takot siyang kritiko ng mga ito. Ipinagtanggol niya ang edukasyong Katoliko at ang malayang pamamahayag.
Noong 1943, siya ay dinakip. Ginawa siyang human Guinea pig, kung saan iba't ibang mga nakatatakot na mga eksperemetong medikal ay ginawa sa kanya. Siya ay pinatay sa lethal injection noong July 26, 1943 at ang kanyang abo ay inilibing kasama ng marami pang pinatay sa " Libingan ng Libo-libong Di-Kilala".
Noong May 15, 2022 tinanghali siyang kabilang sa hanay ng mga banal ng Simbahan ni Papa Francisco.

PRAYER
God our Father, source of life and freedom, through Your Holy Spirit you gave the Carmelite, Titus Brandsma the courage to affirm human dignity even in the midst of suffering and degrading persecution. Grant us that same spirit so that, in refusing all compromise with error we may always and everywhere give coherent witness to Your abiding presence among us. We ask this through our Lord Jesus, your Son, who lives and reigns with you, in the unity of the Holy Spirit, God, for ever and ever. Amen.

San Titus Brandsma, Ipanalangin mo Kami!

________________________________________________

Credits to the owner of the photos used: Isaiah Maclang Photography

Credits for the caption: Cofradia de Nuestra Seรฑora Del Carmen - Barasoain

๐‡๐„๐˜! ๐‡๐„๐˜! ๐‡๐Ž๐Ž๐‘๐€๐˜!โ€ขHULYO 26 | SABADO | PAGGUNITA KINA SANTA ANA AT SAN JOAQUIN Sina San Joaquin at Santa Ana ay itinuturi...
26/07/2025

๐‡๐„๐˜! ๐‡๐„๐˜! ๐‡๐Ž๐Ž๐‘๐€๐˜!

โ€ขHULYO 26 | SABADO | PAGGUNITA KINA SANTA ANA AT SAN JOAQUIN

Sina San Joaquin at Santa Ana ay itinuturing na mga patron ng mga loloโ€™t lola. Ayon sa tradisyon, ipinangako ni Santa Ana sa Diyos na kung bibigyan sila ng anak, itatalaga niya iyon sa paglilingkod sa Panginoon. Pareho silang nakatanggap ng pagpapahayag mula sa anghel na magbubuntis si Ana; at ang kaniyang idadala ay kahanga-hanga.
Sa pasimula ng paglilihi ni Santa Ana, tunay na walang bahid ng salang orihinal ang dumumi sa kanilang anak. Nagalak ang mag-asawa sa pagsilang ng kanilang anak na babae na pinangalanang โ€˜Mariaโ€™ na magiging Ina ni Hesus. Noong 3 taong gulang na ang bata, dinala nila si Maria sa Templo ng Jerusalem upang ihandog bilang katuparan ng kanilang pangako ng pagtatalaga sa Panginoon.

PANALANGIN KAY STA. ANA AT SAN JOAQUIN

Butihing Santa Ana ako ay dumudulog sa iyo upang ipagkatiwala sa iyo ang buo kong buhay. Ninanais kong maging ina kita, kung paanong naging ina ka ng pinagpalang Birheng Maria. Sa gayunding matimyas na pagmamahal, turuan mo ako, ipagtanggol, patnubayan at tulungang maglakbay sa buhay na ito. Inilalagay ko sa mga kamay mo ang aking kinabukasan. Hilingin mo sa Banal na Espiritu na bigyan ako ng liwanag upang malaman ko ang Kanyang Kalooban, at gayundin naman ng lakas na maisakatuparan ito, upang maging kasiya-siya ako sa Panginoon at maligtas ang aking kaluluwa. Amen.

Santa Ana at San Joaquin, ipanalangin niyo kami!

Pagbati ng Isang Maligaya, Ligtas at Makabuluhang Kapistahan National Shrine and Parish of St. Anne - Social Communication

________________________________________________

Credits to the owner of the photos usd in editing

HULYO 25 | KAPISTAHAN NI SANTIAGO APOSTOL EL MAYORPANALANGIN KAY SANTIAGO APOSTOL-Mahal naming Santiago Apostol,Mula sa ...
25/07/2025

HULYO 25 | KAPISTAHAN NI SANTIAGO APOSTOL EL MAYOR

PANALANGIN KAY SANTIAGO APOSTOL-

Mahal naming Santiago Apostol,
Mula sa pagiging mangingisda tinawag ka ng Panginoon
Upang mamalakaya ng sangkatauhan
na bubuo ng Kristiyanong Sambayanan.
Tulungan mo kami upang madinig
Ang tawag ni Kristo sa aming buhay.
Naging saksi ka sa mga mahahalagang pangyayari
Sa buhay ni Hesus.
Makita nawa namin sa aming paligid ang masaganang
Pagpapala ng Panginoon.
Sa iyong buhay, tinanggap mo ang kalis ng paghihirap.
Tulungan mo kami na maging matatag
Sa gitna ng mga pagsubok
At ng hamon ng buhay.
Tulungan mo kami sa aming mga pangangailangan,
(Banggitin ang sariling kahilingan)

Pagalingin mo ang aming karamdaman
Patatagin mo kami sa gitna ng aming kahinaan.
Dinala mo ang Mabuting Balita sa ibang bayan:
Makatulong nawa kami sa pagpapalaganap ng Simbahan
Sa aming paglalakbay, ikaw nawa ay aming maging gabay
Upang ang lahat ng tukso at kapahamakan na dulot ng
Kasalanan ay aming mapagtagumpayan,
Nang sa gayon kami ay makarating sa makalangit na
Tahanan.
Makasunod nawa kami kay Kristo,
Tulad ng pagsunod mo ng buong katapatan
Hanggang sa huling sandal ng aming buhay.

-KASAYSAYAN NI SANTIAGO APOSTOL-

Si SANTIAGONG MATANDA ay anak nina Zebedeo at Salome at matandang kapatid ni San Juan Ebanghelista. Iba siya kay Santiagong Bata (Mayo 11), na anak nina Alfeo at Maria Cleofas. Alagad ni San Juan Bautista, si Santiago ay naging apostol ng Panginoon at siya ay sampu ng kanyang mga kapatid na si Juan ay tinawag na Boanerges (mga anak ng kulog) ng Panginoon dahil sa kanilang kapusukan. โ€œPanginoon, ibig mong magpababa kami ng apoy mula sa langit, at silaโ€™y pugnawin?โ€ tanong ni Santiago at Juan kay Kristo. (Lc 9:45) Ang mangingisdang ito ay nagkapalad na maging saksi na kasama sina San Pedro at San Juan sa pagkabuhay ng anak ni Jairo, sa pagbabagong anyo ni Kristo at sa pagpawis ng dugo ng Panginoon sa halamanan ng Getsemani. Siya ang unang namatay na martir sa mga apostol ng Panginoon noong taong 42, humigit-kumulang nang siyaโ€™y ipahuli ni Herodes Agripa sa Herusalem.

Sinasabing si Apostol Santiago ay nagtungo sa Espanya upang palaganapin ang pananampalataya at sa kanyaโ€™y nagpakita ang Birhen โ€œdel Pilarโ€. Ang kanyang relikiya ay nasa Kompostela, Espanya. Pintakasi ng Espanya at ng sakit ng reyumatismo, si Santiago ay nakakabayong maputi kung ilalarawan. Ang Papa Leon XIII ay sumulat ng isang bula tungkol sa katunayan ng kanyang relikiya sa Espanya noong 1884.

Apostol Santiago El Mayor, Ipanalangin Mo kami.
________________________________________________

Credits to the owner of the Photo: Parokya ni Santiago Apostol - Plaridel Bulacan

Credits to the Caption- Most Holy Rosary Parish Padre Garcia - Archdiocese of Lipa

โ€ขDAKILANG KAPISTAHAN NI SAN PEDRO AT SAN PABLO | HATIRAN 2025Mga kuhang litrato mula sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistah...
30/06/2025

โ€ขDAKILANG KAPISTAHAN NI SAN PEDRO AT SAN PABLO | HATIRAN 2025

Mga kuhang litrato mula sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo kasabay ang Prusisyon ng Hatiran sa Imahen nina San Juan Bautista at Ang Mahal na Birhen Ng Santo Rosario Ng San Juan.


โ€ขOBRA MAGNO SPOTTED!Take a look! These are photos from someone from San Juan Malolos, sharing the different hanged Tarpa...
19/06/2025

โ€ขOBRA MAGNO SPOTTED!

Take a look! These are photos from someone from San Juan Malolos, sharing the different hanged Tarpaulins near the entrance of the Chapel of Saint John the Baptist. The outstanding layouts of the tarpaulins are made by Obra Magno. These were commissioned from one of our frequent clients, we would like to Thank sir Francia for the unending support to Obra Magno. Happy Fiesta Saint John the Baptist!

Viva San Juan Bautista!

Address

Malolos

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Obra Magno posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share