21/05/2026
ππππ|| πππππππππ πππππ, ππππππππππ πππ πππππππππππππππ ππ ππππππππ ππππππ ππ πππππππππ ππππππ
CAMP GERONA, NEGROS OCCIDENTAL β Hayagan nang kinumpirma ng Apolinario Gatmaitan Command ng New People's Army (NPA) - Negros Island Regional Operational Command, sa pamamagitan ng kanilang propaganda page na 'Red Erecre', na opisyal nilang kasapi si Vince Francis Dingding.
Hindi lang basta miyembro, inamin din ng Communist Terrorist Group (CTG) na si Dingding ang tumatayong Secretary ng Southwest Negros Guerilla Front.
Ang pag-aming ito mula mismo sa hanay ng mga rebelde ay malaking patunay sa katumpakan ng mga intelligence reports at operasyon ng inyong Armed Forces of the Philippines (AFP). Ito rin ay nagpapakita na unti-unti nang nabALian ng baston at nawawalan ng liderato ang teroristang grupo sa rehiyon dahil sa walang-humpay na focused military operations at suporta ng komunidad sa ilalim ng NTF-ELCAC.
Isang Mensahe sa mga Nalalabing Kasapi ng CTG:
Habang ang inyong mga pinuno ay isa-isang natutukoy at nane-neutralize, ang pinto ng pamahalaan ay nananatiling bukas para sa mga nais magbalik-loob. Huwag sayangin ang inyong buhay sa isang huwad na ideolohiya. May pagkakataon pa kayong magsimulang muli kasama ang inyong mga pamilya sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Manatili tayong magkakaisa para sa isang masagana, ligtas, at payapang Negros Island!