Halo Halo Mix

Halo Halo Mix Mga samu't saring istorya, ganap, daldal, reklamo sa buhay na mula sa busilak at fluffy na puso ng isang pusakal

05/02/2023

Lunes nanaman. Umpisa nanaman ng lokohan

29/01/2023

Live!!!
wag maging tagapagmana, hindi loyal ang kumpanya sayo, empleyado lang ang nagiging loyal. anytime pwede kang mapalitan.

11/01/2023

Sign of adulting: Hindi ka na nababahuan sa amoy ng katinko, omega pain killer,at efficacent, heaven na sila sayo

Makukulay ang uri ng tao sa opisina, iba iba, at kakaiba. May mga hunyango, mga mapagpanggap.         https://invle.co/c...
09/08/2022

Makukulay ang uri ng tao sa opisina, iba iba, at kakaiba. May mga hunyango, mga mapagpanggap.











https://invle.co/clcyjvn

photos: pexels.com

DOES SCHOOLING REALLY MAKE YOU RICH?(Rant Post)When I was young my parents often tells me, “Kailangan mong mag-aral, par...
24/07/2022

DOES SCHOOLING REALLY MAKE YOU RICH?(Rant Post)

When I was young my parents often tells me, “Kailangan mong mag-aral, para yumaman ka paglaki mo.” And so….I went schooling finished all those years got a bachelor’s degree.

Fast-forward year 2022 lols. Currently working at a known bank but still not mayaman😜 Its a prank ma,. One time I was browsing facebook and stumbled to a certain post, na yumaman kahit mahirap lang. He was working hard, same as I. We had the same years of working but the difference is he is a millionaire now but I am not lols. I said how? lols. I went through all of our checklist;

- ✅hardworking
- ✅patient (not the sick one ha? the trait)
- ✅trust worthy
- ✅perseverant
- ✅loyal
- ✅obedient
- ✅resourceful
- ✅creative
- ✅mapagmahal sa katrabaho lols and etc….

but…. you see I’m still a commoner lols. Pares naman ah bat ganun I told to my self.

One day I went to my alma-mater just to have a little glimpse of my care-free self, sustained by my daily baon then I realized. Para saan ba ang pag-aaral talaga? I walked to our facades and saw this magtataho vendor and then I bought some of his stuff. I sat with him and we chatted. “Mahal na ng bilihin no kuya?” he nod. “Mahal din ng taho niyo po. lol”
“Dagdagan ko nalang tutal pauwi na ko.” he offered. Tanggi pa ba? I gave my cup. “Aga niyo masold out kuya no? galing mo. panguuto ko. “Mas mabilis yan nung may pasok” “Magkano kita mo dito kuya?” “Mga ₱400.00 to ₱500.00 per day. Basta dito lang ako.” I finished my last slurp then I left him. While on the jeep, nagkwekwenta ako. Mabagal na kwenta kasi walang calculator at di makapaglabas ng cellphone, dahil we will pass along the streets of Recto, Quiapo and Avenida that most of us Ubelters are aware of. According to kuya taho he wakes up 3am to go to his supplier of taho. After that he embarks to his specific spot to sell his goods. At around 7am or 8am most of his taho is already sold out. Maganda ang pwesto ni kuya I can say. So if kuya sells ₱400.00 a day x30 that’s ₱12,000.00. He even earns alot than me when I first got my paycheck after graduation kakaltasan pa yun. My first take home is ₱8,000.00 at graduate pa ako sa mamahaling university, I said “s**t.”

My life was totally ruined charrrr. I said “Luh pota” lols. Lost in thought, I went through my notifications when I can finally check my cellphone, and then I saw this job posting in jobstreet.

Requirements:
Bachelors degree
Adept in Ms office
trustworthy and hardworking
flexible
Salary range ₱12,000-₱15,000
shift: M-F 8:00am to 5:00pm

“Luh” talaga while kuya can earn that in 4hrs, yung mag-aapply dito is 8hrs onwards if magOT pa sya and byabyahe pa sya to commute. So mga 10-12hrs of hardwork yun.

So the big question is Does earning a degree makes you rich?

For the one million question is. EWAN, pota lols pero hindi ka payayamanin this is sure. I don’t know sa iba. Maybe.

But what I realize is this. Schooling doesn’t makes you rich it makes us CORPORATE SLAVES lols. When we earn our degree, one of the basic requirement is the degree we acquired after school. Therefore, schools trained us to be corporate dogs, dealing with our s**t bosses, feeling tagapagmana workmates and toxic works.

Although we will learn a lot naman sa school I’m not saying its not important. When I was in school I learned “pakikisama”, being responsible, and discipline. But to be rich, “Nah” you can be even if you did not finish school (is what I think). You just need proper attitude to get there. I think its a about time to change our curriculum, teach students the practicalities of life. I don’t see the need to teach a complicated mathematical equation of finding X in life(ineevict sila chaaarrr). Parang its more on the skills or maybe teach them to invest is what I believe.

Knowing these I pray that to save enough money with my current job and build a business of my dreams and finally become jobless!!! syempre wala ng trabaho lols. Pakawalang kwenta pala netong rant post ko charrrrrr











knitted cardigans

https://invle.co/clcjyhd
https://invle.co/clcjyiy

Sa panahon ngayon, kailangan maging mapanuri. Kung sa pagbili mo ng mga bagay bagay ay maigi mong tinitignan ang expirat...
17/07/2022

Sa panahon ngayon, kailangan maging mapanuri. Kung sa pagbili mo ng mga bagay bagay ay maigi mong tinitignan ang expiration date, kulay, sukat at kung anu anu pa. Dapat na hindi lang sa pagbili mo ito ginagawa, maging sa lahat ng bagay. As in sa lahat.

https://invle.co/clca0z0 -ESR case super markdown

https://invle.co/clca12b -very cute table organizer

https://invle.co/clca159 - acrylic organizer









UTANG POST: WHEN SAYING “NO” IS A GOOD THING.Lately, I’ve been reading a lot of “utang” related post, where the “nagpaut...
04/04/2022

UTANG POST: WHEN SAYING “NO” IS A GOOD THING.

Lately, I’ve been reading a lot of “utang” related post, where the “nagpautang” is stressed out sa “pinautang”. Simply because the said “utang” amount is not yet settled. Bakit?

We Filipinos are known for being “maawain”. Konting hikbi there and pakiusap, konting likha ng MMK kwento, nakukurot na tayo, and then “utang” happens. When “utang” happens, a date when the “utang” amount will be settled is promised. Finally, when the promised date came and the “utang” amount is already due, the creditor will do what we Filipinos are also known for- “nahihiyang maningil act of 5.6; in the Articles of Walang Kusang Pinautang, Galit Pa of Irresponsible Borrowing Year ###X”-

Napakahirap ng may utang sa true lang. Andyan yung di mo alam san ka kukuha ng pambayad, andyan yung di ka makatulog kakaisip ng ipambabayad mo at madami pang ibang kakastresan. Pero ika nga kasama mo ding nahihirapan yung inutangan mo. Kasama to sa listahan ng -The feeling is Mutual. Kung gaano kahirap sa part mong nangutang, ganun din sa inutangan mo.

But, this time hindi na ko magwiwika or magbibitiw ng mga inspirational talk or kung anu mang mga salita or payo para sa mga nangutang. Madami ng gumawa niyan, and yet madami pa ding kapalmuks na hindi nagbabayad.

…and soooooo…
para ito sayo na nahihiyang hindi magpautang.

Hindi masamang tumulong. Hindi masamang maawa. Pero timbangin mo. May pagkakataong ang iyong- “Hindi” ang makakabuti para sa inyong dalawa (nagpapautang at mangungutang). Naalala ko nung naglalakad ako sa mall may nang-alok sakin ng credit card sabi ko “Meron na po”. “Mas maganda po, mas madaling maapprovebahan” “Husto na po yun” sabi ko sakanya. “Ayaw ko po kasi sa utang, takot po ako dun”. Lingid sakin nakikinig pala sakin yung isang matanda dun. Hangang nagchika chika na kami ganyan, dami daw nakiride sa credit card niya ngayon hirap na sya maningil. Isip-isip ko naman bat may pagkwento di naman ako nagtatanong. Charrrrr!! Dami niyang shinare hindi ko na magets yung iba, tango tango nalang ako basta ang bottomline nakakaawa sya. Pero isa sa mga sinabi niya tumatak saken. -

“Kung nagpautang ka at hindi sya nagbayad nung naniningil ka, dalawa kayong magagalit. Siya na nangutang kasi naniningil ka, at ikaw na naniningil pero hindi pa mababayaran. Ngunit, kung hindi mo sya pinautang, sya lang ang magagalit at ikaw hindi kasi hindi ka mahihirapang maniningil.”

It hit me dre lols.

Minsan talaga ok din yung tamang lakad sa mall kahit wala ka naman bibilhin talaga. Hindi lang paglande at paggastos ang ganap sa mall kundi pagkatuto din.











https://invol.co/cla5v47 -planner

https://invol.co/cla5v4k -mini cash vault

PAGLUWA SA MAINIT NA KANINMalamang hindi lang sa kanin mo ito nagawa, applicable din to sa sabaw, sa ulam or kung anung ...
28/03/2022

PAGLUWA SA MAINIT NA KANIN

Malamang hindi lang sa kanin mo ito nagawa, applicable din to sa sabaw, sa ulam or kung anung klaseng sinusubo charrr!!! Basta, ginagawa mo ito kung may hindi inaasahan kang isinubong hindi mo sukat akalain ang init, or napapaso ka, nagulat, hindi kinaya….

Naalala ko nung bata pa ako, binibulyawan ng tita ko yung malande kong pinsan na 20yrs gap sakin. Gusto na niya kasi sumama sa jowa niya, sabi ng tita ko- “mag-isip isip ka nga… hindi porket ang pakiramdam mo ngayon ay mahal mo sya, eh…papakasalan mo na agad. Ang pag-aasawa ay hindi katulad ng isang mainit na kanin na kapag sinubo mo ay pwede mong iluwa” E di sige tita. KJ ampota.

Come high school graduation. College is here. Gusto kong couse na kuhanin ay, fine arts basta magdrowing drowing ako. Ang kaso sabi ni mama, “Wala naman pera dyan anak, Mahal ang gamit” blah blah. Tinanong ako kung gusto ko pa magcommerce nalang. Tinanong ko kung may pera ba dun. Oo daw marami pa akong pwedeng pasukan. So ayun nagbusiness course ako. Finished the BSBA degree and graduated.

Fast forward, job hunting. Ang Realidad. Napakadami kong inapplayan and andami ding nagfail saken. Natanggap naman ako, and sa mga lahat ng inapplayan ko in my 13yrs of working, ni isa wala akong nagustuhan na inclined sa tinapos ko. Bawat araw na may pasok sinusumpa ko. Tuwing sasapit ang Linggo nalulungkot ako dahil Lunes nanaman, basta may pasok shuta na yan. Kinakaladkad ko ang katawan ko. Ang lagi kong dinadasal tuwing pumapasok ako ay binubuo ng tatlong kataga lang- “Tubig, kuryente, Pagkain”. Mga 75 times kong inuulit para wagas talaga hangang umuwi.

Ngayon, naalala ko si tita, at yung mga sinambit niya sa pinsan ko-

“Ang pag-aasawa ay hindi katulad ng isang mainit na kanin na kapag sinubo mo ay pwede mong iluwa”.

Dapat sa pagkuha din ng trabaho applicable din ito tita, hindi lang sa pagharot. Napakahirap kumuha ng kurso na di mo gusto, mag-aral ng di mo gusto, maggraduate, magkatrabaho, at magtrabaho sa larangan na di mo gusto. Ang pakiramdam ng mga bawat araw ay isang parusang habang buhay mo nalamang tatanggapin sa buong buhay mo. Maari kang mag-aral, maari mong ipursue ang gusto mo, ngunit maraming oras na ang nasayang. At hindi lahat ng tao ay nagkakapribilehiyo na magkaron ng tiyansa na sundin pa kung anu ang tinitibok ng mga puso nila. Ito yung sinasabi lagi sa mga movies- “I wanna pursue my passion” tengene. Kaya kung may pagkakataon ka gawin mo ang gusto mo dahil kung ipipilit mo ang isang bagay na hindi mo gusto baka pagsisihan mo lang ito sa huli at quomota ka sa mga what ifs sa buhay leche na yan kainis pasok nanaman bye na nga hayuuuuuppp!!!!







https://invol.co/cla45g9 -footrest for work

BENEFITS NG PAGJERBAX/JEBS (pooping)Sa malamang alam mo na ang mga bagay na ito, pero hindi tayo magpapakaduktor or spec...
16/01/2022

BENEFITS NG PAGJERBAX/JEBS (pooping)

Sa malamang alam mo na ang mga bagay na ito, pero hindi tayo magpapakaduktor or specialista sa ganitong larangan. Bagaman alam mo na ang magagandang naidudulot nito sa katawan- gaya ng pagalis ng mga “toxins” o lason may lihim pa itong mga benepisyong esensyal na kinakailangan sa panahon ngayon.

Pagtae sa opisina: Minsan mahalaga ang lugar kung san tatae. Ang pagtae sa opisina ay isang mabisang paraan para makapagpahinga ng saglit mula sa kinginang toxic na trabaho. Bukod pa dito, sa maikling oras na nagtatanggal ka ng mga lason sa katawan ay pinapasahod ka ng kumpanyang sinasabing “pamilya kayo sa hirap pero hindi natin sure sa ginhawa”- davao conyo. Naalala ko ang isang kaibigan na pinayuhan akong sundin ang pormula sa tuwing magOOT; 5mins type + 5mins print + 30mins tae = ₱2,500.

Pagtae at meditation: Malamang napapansin mo to. Sa tuwing uupo ka sa inodoro, madaming sumasagi sa iyong isip. Ito ay dahil sa magandang kombinasyon ng pagtae at meditation. Naiisip mo ang mga bagay na hindi mo napaguukulan ng pansin kumpara kung ikaw ay tumatae. Isang halimbawa ay kung constipated ka, makakaranas ka ng “pebble-like” jebs a.k.a -lumalabang jebs. Sinasabing lumalaban ang uring ito dahil sa sandaling malaglag to sa indoro ay babawi ito ng tilamsik sa iyong tumbong. Habang nandun ka sa tagpong iyon, maiisip mo ang mga boss at kaopisina mong toxic na panay ang bato sayo ng trabaho sa tuwing may matatapos ka lols.

Sa madaling sabi, ang pagjerbax ay ugaliin saan man kailanman at kung anu man ang dahilan. Dahil nilikha ito upang magbigay benepisyo sa gagamit nito lols.








https://invol.co/cla45iv -desk light lamp

Mahusay ka ba sa larong chess? Personally ako, hindi ako marunong ng larong ito. Nagkainteres lang ako nung pinalabas sa...
13/01/2022

Mahusay ka ba sa larong chess? Personally ako, hindi ako marunong ng larong ito. Nagkainteres lang ako nung pinalabas sa netflix yung Queen’s Gambit. Ang ganda at galing ng bida dun. Superb acting and portrayal kay Ms Anya. Sobrang nagandahan ako sa palabas, dahilan kung bakit nagkainteres ako sa larong chess. Interest lang pero hindi ko nilaro, pang matalino eh lols. Kinabibilangan ng dalawang manlalaro meron sila parehong 16 pcs na kokontrolin sa 64 squared na board. Tapos parang gyera sya, ubusan. May mga parang sundalo at may King na kailangang protektahan na kapag nawala sya tapos ang laban. Pero hindi ako magtuturo ng chess, hindi din ako magrereview ng mini series ng netflix.

Habang binabasa ko ang mechanics ng larong chess at ang mga galaw ng bawat piraso nito naiisip ko ang hawig nito saming mga empleyado. Kaming mga nasa mababang ranggo ay yung mga tinatawag na “pawns” limitado ang galaw at walang choice kundi ang dumiretso lang. Ito din yung piraso na unang sinasalang, first move, first pinapapasok, kahit pandemic lols. First alay in short. Sunod ko naman napansin yung “rook” at “bishop” mejo hawig sila ng galaw pinagkaiba lang yung rook diretso ang galaw yung bishop sideways. Sa trabaho, sila yung 8am-5pm workers, work lang, then uwi ganern. Anjan naman yung “knight” yung galaw naman neto paikot lang pamprotekta talaga kaya siguro knight. Mahahalintulad ko to sa empleyadong nagtatrabaho lang kapag anjan ang boss lols. Sunod yung pinaka bet kong piece yung “Queen” parang nanay mo to e lahat kayang gawin lols. Pagsamahin mo yung galaw ng rook, bishop, pawn, knight at kahit yung sa King. Ito yung empleyadong sulit ang bayad mo. Finally the “King” yung moves niya limited, pasquare lang. Walang masyadong mahita charot!!! Hindi ako hustler sa chess kaya ko to nasasabi, siguro may mga combos na ginagamit- well i don’t know. Nagrely lang ako sa nakalagay sa wikipedia. Sobrang importante niyang piece pero yun lang nagagawa niya? I was like ganun???Parang yung boss mo lang na super mando ng mando tapos wala naman binatbat pero mga super protektado ng kumpanya kasi mga decision makers daw. Pero yung desisyon na sinasabi e hindi mo maramdaman and madalas para lang naman sa mga sarili nila Walang silbi pero ang lalaki ng mga sweldo pwe charot!!! Ayaw ko na nga magchess bye!!!!

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Halo Halo Mix posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share