19/10/2025
ABANTE, BABAE! ✊🔥
Dalawampu’t limang taon ng walang humpay na pagtindig laban sa korapsyon, pang-aabuso, at karahasan sa kababaihan, mga bata, LGBTQ+ at bayan. Sa bawat kilos-protesta, panukalang batas, at pakikibaka sa lansangan—umani tayo ng maraming tagumpay dahil sa pagkakaisa at kolektibong lakas ng kababaihan.
Ngunit sa bawat tagumpay, panibagong hamon ang kailangan nating harapin. Ipagpatuloy natin ang diwa ng paglaban hindi lang para gunitain ang ating mga nakamit, kundi upang mas palakasin ang tinig ng kababaihan sa gitna ng patuloy na krisis at pang-aapi.
Sa darating na Oktubre 28, ipagbunyi natin ang ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng Gabriela Women’s Party — 25 taon ng tunay, palaban, at makabayang paglilingkod sa sambayanan! 💜✊
------
Artwork courtesy of Madvertising