18/09/2025
“UPUAN. Isang simpleng bagay kung titingnan, ngunit kung susuriin, ito’y may napakalalim na kahulugan.
Para sa maralita, ito ang simbolo ng paghihirap—sapagkat ang kanilang pawis at dugo ang nagbabayad para may maupuan ang nasa kapangyarihan.
Para naman sa mga namumuno, ang upuan ay nagiging trono ng kasakiman, tahanan ng pribilehiyo, at pahingahan ng kanilang kaginhawaan.
Isang upuan na sana’y magsilbing lugar ng paglilingkod at pag-asa, ngunit sa halip, naging sandalan ng kasinungalingan at tambakan ng mga pangakong napako.
At sa bawat nakaupo sa pamahalaan, tila ba napakahirap bumangon sa tunay na balangkas ng katotohanan. Sapagkat ang kanilang mga mata ay nabulag sa yaman ng kaban ng bayan, at ang kanilang puso’y bingi na sa sigaw ng taong naghihirap.
Ang tanong: hanggang kailan magiging trono ng katiwalian ang upuang dapat ay simbolo ng paglilingkod?”**
Music and Video Credits to the Rightful owners!!