08/03/2026
‼️PLEASE WAG KAYONG SIRAULO‼️
Boy, napakahirap buhayin ng Bulacan scene. Andito kami nila Poleng at ng Lost Boys Club para suportahan ang mga lokal na artist. Pero sana tulungan niyo rin kami.
Hindi pwedeng Lost Boys halos at ibang prod sa bulacan lang ang bumubuhay sa eksena.
Halimbawa na lang last gig, wala na naman tao at last gig na ng venue. Hanap na naman ulit. Alam niyo kung bakit? Kasi hindi sustainable kung iisa lang ang kumikilos.
Sa mga lumang banda, sana maging responsable rin. Huwag naman yung 1/4 ng venue ay entourage niyo pero hindi naman kayo nagdadala ng tao. Kung kaya niyo magdala ng tropa, gawin niyo.
Sa mga bagong banda, suportahan niyo rin ang production. Mag-invite kayo, mag-share kayo ng event, magdala kayo ng tao. Malaking tulong yun sa pagpapatuloy ng mga gig.
At sana tigilan na rin yung style na may tropa kayong hindi naman tumutugtog pero bibigyan niyo ng gitara para lang maging “band member” at makapasok ng libre. Hindi yun nakakatulong sa eksena.
Ginagawa namin ito para mas makilala kayo, hindi para mas makilala namin kayo.
Kung gusto nating mabuhay ang Bulacan scene, kailangan lahat tayo kumikilos.
POV TO NG BANDA NA TUMUGTOG SA PROD NILA AT PROD NILA