15/12/2025
🕵️♀️ for the sponty commuters out there
Malawakang Maynila Commute Map — By Mark Erwin
Narito na ang commute map ng Greater Manila Area, kasama ang ilang lugar sa Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal. Narito na ang mga major train at bus lines tulad na lamang ng EDSA Carousel at LRT 1, 2 at MRT 3.
Isinama ko na rin ang Pasig River Ferry at isang Airport Access line. Color-coded ang bawat lalawigan para mas madaling mahanap ang rutang tatahakin (Bulacan-Orange, Cavite-Teal/Green, Laguna-Pink, Rizal-Purple).
Lahat tayo ay nagnanais na mas maging komportable, ligtas, at accessible ang public transportation sa Pilipinas, ngunit habang hindi pa dumarating ang araw na yun, may layunin tayong ipaglaban ito. Tama na ang maka-kotseng imprastraktura. Commuters naman!
Hindi pa kumpleto, at maaaring hindi accurate ang ibang istasyon pero sana makatulong kahit papaano. Open to suggestions at added routes rin.
Salamat po!
Source: komyuter.ph
High Quality Image of the Map:
https://drive.google.com/file/d/1kdM3OaLH_MF8yzLMjSIU3HN818SN6yJL/view?usp=drivesdk