29/05/2025
BACK TO EDITING!✨
I am really sorry guys dahil nawala ako this past few months and ang daming nag message sakin para magpalayout, na di ko na replayan.
The REASON in sobrang na busy po ako sa school (college student) at ang isa pa na nakakainis na dahilan ay nagkaroon ako ng client na sobrang mapagsamantala, ang dami nya napa layout sakin for her cafe business,sobrang pinaglaanan ko ng effort para maging maganda ung outcome ng mga layouts nya, pinaghirapan from scratch, pinagpuyatan, nag skip ng school activities para lang magawa ung pinapagawa nya. I already send to her lahat ng na layout ko,napakinabangan nya na for her business. Pero simula December 2024 until now di nya padin ako nababayaran. Grabe nakakaubos sya ng bait, she has so many reasons, to the point na nawalan na ko ng gana mag edit.
Maybe some of you guys sabihin na bakit kasi hindi ka nanghingi ng down payment or payment muna bago ibigay kay client yung copy ng layout?
I have my reason kung bakit di po ako nagpapabayad agad or "payment first" alam po ng mga loyal clients ko yan.
I put up this kind of part time business; first para pagkakitaan kahit di gaanong kalakihan at least pang suporta kahit papano sa needs ko everyday dahil nag aaral pa nga as college student, next is to help people, with there business or anything that they need regarding layouting.
TIWALA,,, tiwala ang dahilan kung bakit di agad ako nagpapabayad sa clients ko, kung bakit hinahayaan ko na magbayad sila after ko magawa ung layout. Since bago pa nga lang ako sa platform na to, gusto ko muna ma-gain ung tiwala ng clients ko, na di ko sila bibiguin at pagsisikapan ko na gawin ung gusto nila sa layouts.
At the same time kailangan ko din magtiwala na magbabayd sila. Pero ngayon parang ako ata ung nawala ng tiwala hahaha.
I AM REALLY THANKFUL sa mga nagtitiwala sakin na loyal clients at nag pu-push sakin and motivation na ipagpatuloy pa ang pag llayout. Thank you so much po!