Bandera News TV Philippines

Bandera News TV Philippines PINAKARESPETADO SA NEWS AND CURRENT AFFAIRS ANG PINAKARESPETADO SA NEWS AND CURRENT AFFAIRS. Maging maingat sa pagtingin sa sensitibong nilalaman.

Ang Radyo Bandera Philippines ay isang independyenteng media organization mula sa Palawan na naglalayong maghatid ng tama at napapanahong impormasyon para sa publiko.

⚠️ PAALALA: Lahat ng nilalaman ay para sa pagbabalita, pampublikong impormasyon, at edukasyonal na layunin lamang. Hindi kami konektado o nagsusulong ng anumang partido politikal, sugal, o produktong pangkalusugan maliban na lamang kung tahasang binanggit.

LGU NARRA, PINALALAKAS ANG UGNAYAN SA BRUNEI; CONTRACT FARMING NG WASAN MILLING, TINUTUTUKANPatuloy na pinalalakas ng pa...
17/09/2026

LGU NARRA, PINALALAKAS ANG UGNAYAN SA BRUNEI; CONTRACT FARMING NG WASAN MILLING, TINUTUTUKAN

Patuloy na pinalalakas ng pamahalaang lokal ng Narra, Palawan ang pakikipag-ugnayan sa Brunei Darussalam para sa mas marami pang oportunidad na kabuhayan at pagkakakitaan ng mga magsasaka sa munisipyo.

Katunayan nito, nakipagpulong ang mga kinatawan ng LGU sa pangunguna ni Acting Mayor Jojo Gastanes kasama ang ilang Department Heads upang talakayin ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Narra at ng Brunei Darussalam para sa contract farming ng Wasan Milling na tiyak na malaki ang maitutulong para sa mga magsasaka.

Nabatid na pinursige ng LGU Narra ang pakikipagsosyo sa Brunei para sa sektor ng agrikultura bilang bahagi umano ng layunin ng BIMP-EAGA na palakasin ang siguridad sa pagkain sa rehiyon. - via: K-CIR GOMEZ

***

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng Graviola Plus Herbal Capsule.

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.

3 KATAO, ARESTADO SA BAYAN NG NARRA DAHIL SA ILEGAL NA DROGAArestado ng mga awtoridad ang tatlo katao matapos umanong ma...
17/09/2026

3 KATAO, ARESTADO SA BAYAN NG NARRA DAHIL SA ILEGAL NA DROGA

Arestado ng mga awtoridad ang tatlo katao matapos umanong maaktuhan na nagsasagawa ng drug session sa loob ng isang bahay sa bahagi ng Mabolo Street, PC Compound, Brgy. Poblacion, Narra ganap na alas-12:30 ng madaling araw nitong Huwebes, Setyembre 17.

Ang mga naarestong indibidwal ay isang 52-anyos na construction worker, isang 68-anyos na businessman, at 50-anyos na businessman at kapwa residente ng bayan ng Narra.

Habang nagpapatrolya umano ang kapulisan ay napansin nila ang tatlong indibidwal na maingay at nagsi-sing-along, at nang lapitan nila ay nakitang nagsasagawa umano ang mga ito ng drug session.

Nakuha ng mga awtoridad sa lugar ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 0.66 na gramo at tinatayang nagkakahalaga ng nasa P4,488 kasama ang ilan pang pinaghihinalaang drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 11 at 12, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - via: K-CIR GOMEZ

***

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng Graviola Plus Herbal Capsule.

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.

17/09/2026

PANOORIN: NAKIPAG-USAP SI MAYOR LUCILO BAYRON SA ILANG KINATAWAN NG TRANSPORT GROUP SA PUERTO PRINCESA KAUGNAY NG HINAING NG MGA ITO SA IPINATUTUPAD NA LIBRENG SAKAY SA E-BUS NG CITY COVERNMENT

Courtesy: Mayor Lucilo "Cecil" Rodriguez Bayron/ Facebook

***

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng Graviola Plus Herbal Capsule.

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.

17/09/2026

MAYOR LUCILO BAYRON, BUKAS SA IDEYA NG PAGKAKAROON NG DRAG RACE TRACK SA PUERTO PRINCESA PARA SA MAHIHILIG SA EXTREME SPORTS

Bukas si Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron sa posibilidad na magkaroon ng drag race track sa lungsod para sa mga mahihilig sa motorsports at extreme sports.

Sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng dalawang araw na Puerto Princesa Tourism Summit, sinabi ni Bayron na maaari itong gawin at itayo sa Sta. Lucia Environmental Estate.

Layunin anya nitong magkaroon ng ligtas, angkop at kontroladong lugar para sa drag racing, sa halip na gawin ito sa mga pampublikong kalsada na maaari pang magdulot ng panganib sa mga motorista, residente at iba pang gumagamit ng kalsada.

Gayunpaman, agad namang nilinaw ng alkalde na ang ideyang ito ay hindi para suportahan ang illegal drag racing at mahilig sa karera bagkus ay upang magkaroon ng legal at mas ligtas na lugar para sa mga mahihilig sa motors at extreme sports.

Dagdag pa nito na kung matutuloy ang nasabing proyekto ay maaari ring maging venue ang Puerto Princesa para sa mas malalaking motorsports at iba pang sporting events na bahagi ng pagpapalawak ng sports tourism at extreme sports sa lungsod na mapapabilang sa una nang development ng international-standard motocross race track at pagtatayo ng go-kart race track sa Sta. Lucia Environmental Estate. – via CHRIS BARRIENTOS

Video by City Information Department

***

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng Graviola Plus Herbal Capsule.

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.

“HANGGANG NGAYON, ISIP PA DIN AKO NG ISIP KUNG PAANO NAGING SOBRANG BILIS NG PANGYAYARI”Basahin: Isinalaysay ng Kapitan ...
17/09/2026

“HANGGANG NGAYON, ISIP PA DIN AKO NG ISIP KUNG PAANO NAGING SOBRANG BILIS NG PANGYAYARI”

Basahin: Isinalaysay ng Kapitan ng MV June Aster ang mga pangyayari, bago, habang at pagkatapos ng trahedya sa karagatan.

***

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng Graviola Plus Herbal Capsule.

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.

17/09/2026

PANOORIN: ISINALAYSAY NG ISA SA MGA SURVIVOR NG M/V JUNE ASTER ANG KANYANG MGA NAGING KARANASAN AT KUNG PAANO ITO NAKALIGTAS SA TRAHEDYA

Ayon sa kanya, naging mabilis ang mga pangyayari noong gabing iyon.

Hindi na umano nya nagawang makakuha ng life vest at piniling tumalon na lamang dahil inabot na sya ng nagngangalit na apoy kung saan nagtamo ito ng lapnos sa braso, batok at ilang parte ng mukha.

Dagdag nitong habang nasa dagat ay dinig na dinig nya ang iyakan at paghingi ng tulong ng mga pasahero at may mga nakikita rin syang naglalaglagan na tao na may umaapoy na ang katawan.

Aminado syang muntikan na rin syang sumuko dahil umabot ng dalawang oras syang palutang-lutang sa dagat ng walang life jacket o anumang kinakapitan bago sya na-rescue. – via: PHAO CONDE

***

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng Graviola Plus Herbal Capsule.

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content

Huhumiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang trumpita, at iyong ihayag sa aking bay...
17/09/2026

Huhumiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang trumpita, at iyong ihayag sa aking bayan ang kanilang kasalanan, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan. ― 𝐈𝐬𝐚𝐢𝐚𝐬 58:1
Kaya samahan niyo ang 𝗦𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗛-𝗗𝗔𝗬 𝗔𝗗𝗩𝗘𝗡𝗧𝗜𝗦𝗧 𝗖𝗛𝗨𝗥𝗖𝗛 𝗟𝗢𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗡𝗙𝗘𝗥𝗘𝗡𝗖𝗘 sa isang programang 𝘼𝙉𝙂 𝙃𝙐𝙇𝙄𝙉𝙂 𝙏𝙍𝙐𝙈𝙋𝙀𝙏𝘼 𝙈𝙄𝙉𝙄𝙎𝙏𝙍𝙔, na pinangungunahan ni Pastor Dario Luceñara upang tayoy makapaghanda sa nalalapit na pagbalik ng ating panginoong Jesus.

Sa mundong laganap ang kasamaan, panganib, at kaligaligan ay marapat tayong manatili sa ebanghelyo ni Cristo. Inihahatid...
17/09/2026

Sa mundong laganap ang kasamaan, panganib, at kaligaligan ay marapat tayong manatili sa ebanghelyo ni Cristo. Inihahatid sa inyo ng CHURCH OF CHRIST, ang programang “THE GOSPEL HOUR". Tatalakay sa mga usaping pang-pananampalataya, at magbibigay daan sa inyong mga katanungang pang-espiritual.
Mapapakinggan tuwing linggo sa ganap na ika-anim hanggang ika-pito ng gabi ang

"THE GOSPEL HOUR", dito sa 89.5 BANDERA NEW FM.
Halina at ating samahan ang kapatid na Dario Belviz sa programang “THE GOSPEL HOUR"....

MGA TRICYCLE, MAAARING NANG PUMASOK ULIT SA PUERTO PRINCESA INTERNATIONAL AIRPORT, SIMULA BUKASBinawi na ng CAAP ang kan...
17/09/2026

MGA TRICYCLE, MAAARING NANG PUMASOK ULIT SA PUERTO PRINCESA INTERNATIONAL AIRPORT, SIMULA BUKAS

Binawi na ng CAAP ang kanilang Memorandum Circular na nagbabawal sa mga tricycle na pumasok sa Puerto Princesa International Airport.

Ito ang kinumpirma ni Konsehal Elgin Damasco.

Ayon kay Konsehal Damasco, kinausap umano nila Coun. Jie Lao si CAAP Area Manager Glenn Tripulca at Airport Manager Cristopher Enriquez.

Ayon kay Area Manager Tripulca, napanood ni DOTR Secretary Lopez ang Privilege Speech ni Coun. Elgin noong Lunes kung saan kaagad itong tumawag sa Director General ng CAAP at pinatitigil ang implementasyon ng naturang kautusan.

Dahil dito, agad na ipinag-utos ang muling pagpapatuloy ng pagpasok ng tricycle sa Puerto Princesa International Airport simula bukas.

Nilinaw ng opisyal na ang papayagan lamang na mag-pickup ng pasahero ay mga miyembro ng Airport TODA.

Papayagan naman ang mga hindi myembro ng TODA pero dapat ay magda-drop lamang ng pasahero.

Samantala, napagalaman na nagkaroon din ngayong hapon ng dayalogo sa pagitan ng CAAP, City Tourism, AIRTODA at iba pang concerned agencies hinggil dito.

***

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng Graviola Plus Herbal Capsule.

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content

17/09/2026

“MARAMI PONG LEGAL NA HANAPBUHAY”

Panoorin: Presidente ng isa sa mga TODA sa Puerto Princesa, naglabas ng opinyon kaugnay ng hiling na isama ang Puerto Princesa bilang pilot testing area ng motorcycletaxi

***

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng Graviola Plus Herbal Capsule.

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content

Address

Macasaet Complex, Roxas Street, Brgy. Maligaya
Puerto Princesa

Telephone

+639190049534

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bandera News TV Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bandera News TV Philippines:

Shortcuts

Share