17/03/2025
"The eCAR is now valid until its presentation to the Registry of Deeds. We have removed the 5-year validity period for the benefit of taxpayers. Under Bagong Pilipinas, the BIR will also be a service-oriented agency, not merely a collection-oriented one. Whatever we can do to help ease the burden of our taxpayers in paying their taxes, we will implement" -- Commissioner Lumagui
Lahat po ng Electronic Certificate Authorizing Registration (eCAR) ay valid hanggang ito ay maipakita sa Registry of Deeds (RD) na may saklaw nito. Tanging ang mga CAR na hindi mula sa eCAR System ang maaring ipa-revalidate. Ito po ay alinsunod sa Revenue Regulation (RR) No. 12-2024.
Ang mga CAR mula sa BIR ay nagbibigay ng pahintulot sa Land Registration Authority (LRA) na isagawa ang transfer of ownership ng mga binenta o ipinagkaloob na mga real properties. Ang CAR ay magsisilbing report ng paglipat ng pagmamay-ari at ng bayad sa buwis.
Bago ilabas ang RR No. 12-2024 ay mayroong validity period na limang (5) taon ang mga eCAR pero kalimitan, ang mga eCAR na ito ay hindi nagagamit sa loob ng 5 taon kaya kinakailangan na kumuha ulit ng eCAR. Ito ay dagdag trabaho sa mga taxpayer kaya naman ito ay inalis na sa bisa ng RR No. 12-2024. Ang eCAR ay mananatiling valid hanggang ito ay ipakita sa RD.
Talagang napapanahon ang mga pagbabagong dulot ng Ease of Paying Taxes Act (EoPT) patunay po ito ng ating dedikasyon na makapaghatid ng Excellent Taxpayers Service. Handa po ang BIR na pakinggan ang inyong mga mungkahi kung paano mas pagagandahin ang ating tax system sa Pilipinas.