16/07/2026
AWARDING OF DILP CHEQUE | Isinagawa ang pormal na paggawad ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) Cheque mula sa DOLE Tarlac Field Office , sa panguguna ni Officer-in-Charge, Chief Jayson P. Ocampo, bilang patuloy na suporta sa mga programang naglalayong palakasin ang kabuhayan ng mga mamamayan ng Bayan ng Moncada.
Ang nasabing tseke ay pormal na tinanggap ng LGU Moncada, sa pangunguna ni Mayor Ramon Benito Aquino at Vice Mayor Jessie Aquino, katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) Moncada, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na makapaghatid ng mas maraming oportunidad at hanapbuhay, at mas mapabuti ang kabuhayan ng mga mgulang ng mga child laborer at association ng mga magsasaka sa Baquero Norte.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng matibay na ugnayan ng LGU Moncada at DOLE Tarlac Field Office sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng pangmatagalang kabuhayan at mas magandang kinabukasan para sa ating mga kababayan.
Lubos ang aming pasasalamat sa DOLE Tarlac Field Office sa kanilang patuloy na tiwala, suporta, at dedikasyon sa paghahatid ng mga serbisyong tunay na may malasakit sa bawat mamamayan.