Digitally Dhine - WFH Mom

Digitally Dhine - WFH Mom WFH Mom sharing how I balance kids, clients & quiet hustle 💚
~VA + Lead Gen + Remote Work
Follow for mom-life + freelancing tips

16/12/2025

Pwede ba talagang kumita online kahit wala pang experience?

Short answer: OO, pwede.
Pero hindi siya “easy money” na isusubo na lang lahat.

Most beginners think kailangan agad ng years of experience para makapasok sa freelancing or VA world. Hindi totoo yun. Ang mas importante ay willing ka matuto, marunong sumunod sa instructions, at consistent ka.

Maraming VA tasks na beginner-friendly: • data entry
• email handling
• basic social media tasks
• lead generation
• research

Lahat yan natututunan. Walang pinanganak na expert. Lahat nagsimula sa zero.

Ang hindi pwede?
❌ Tamad
❌ Ayaw mag-aral
❌ Gusto agad ng malaking sahod without effort

Kung ready kang mag-invest ng oras sa pag-aaral, magkamali, at umulit hanggang gumaling ka, may space ka sa online world.

Hindi overnight ang results.
Pero one day, mapapansin mo na lang, may client ka na. ✨

Start small. Stay consistent. Trust the process.

Gusto mo bang matutunan kung anong unang skill ang pwede mong simulan? 💚

Bawat bahay yata may sariling pader ng alaala. Sa iba, picture frames at paintings… sa amin, doodles ng mga anak ko ang ...
05/09/2025

Bawat bahay yata may sariling pader ng alaala. Sa iba, picture frames at paintings… sa amin, doodles ng mga anak ko ang masterpiece. May math, may birthday cake, may love story pa - parang buong buhay nila nasa pader na. 😂

Hindi man perfect lines at spelling, pero perfect sa puso ko. Kasi bawat guhit, kwento ng kabataan nila ‘to. Someday, paglaki nila, babalikan namin ‘to at tatawa sa memories. ❤️

Legit client alert! 🔍✅ Verified payment💸 $501K+ total spent👥 883 hires, 70 active📆 Member since 2010Ito yung mga hinahan...
07/08/2025

Legit client alert! 🔍
✅ Verified payment
💸 $501K+ total spent
👥 883 hires, 70 active
📆 Member since 2010

Ito yung mga hinahanap nating client sa Upwork—matagal na sa platform, may budget, at consistent mag-hire. Hindi man guaranteed ang success agad, pero malaking tulong kapag yung client ay may good record and history.

Reminder lang: wag basta apply nang apply—review mo rin lagi ang client profile. Tools like this help us avoid red flags and increase our chances of landing legit, long-term work. 💼💻

04/08/2025

Monday na naman, momsh! 😅 Back to routine ulit - kape, laptop, alaga, ulit-ulit. Pero kahit ganito, thankful pa rin kasi may work at may time din sa pamilya. Sa mga nagba-balance ng trabaho at mommy duties, saludo ako sa’yo!

This week, focus lang tayo sa one small goal. Di kailangan biglaan. Basta tuloy lang kahit slow. Ikaw, anong gusto mong ma-achieve this week?

Thank you, July—sa lahat ng lessons, pagod, tsaka maliliit na wins. Hello, August! Di ko alam kung anong dadating, pero ...
02/08/2025

Thank you, July—sa lahat ng lessons, pagod, tsaka maliliit na wins. Hello, August! Di ko alam kung anong dadating, pero I’m ready to show up again. Sana mas kalmado, mas klaro ang goals, at mas marami pa akong ma-inspire na kapwa WFH moms na gustong magsimula. 💚

Sa totoo lang, hindi ko mararating kung nasaan ako ngayon kung mag-isa lang ako sa freelancing journey ko. Noong nagsisi...
01/08/2025

Sa totoo lang, hindi ko mararating kung nasaan ako ngayon kung mag-isa lang ako sa freelancing journey ko. Noong nagsisimula pa lang ako, halos araw-araw akong nagse-search, nanonood ng YouTube, at nagtatanong sa mga FB groups kung tama ba ang ginagawa ko. Pero ang pinaka-nakatulong sa'kin? Yung support ng mga community like Work From Home Buddies PH , Molongski , Your VA Buddy at mga ka-freelancer kong willing mag-share kahit simple info lang.

Ang sarap sa feeling na may mga taong hindi mo man kilala personally pero sobrang approachable at supportive. May nagtanong ako dati kung paano gumawa ng proposal—akala ko i-iignore lang—but someone from the group actually took time to send me a sample and gave tips. May mga days na gusto ko na mag-give up kasi feeling ko wala akong alam, pero may isang “you got this momsh!” comment lang, biglang buo ulit loob ko. 💛

Dahil diyan, gusto ko ring ibalik sa iba. Hindi ako expert, pero kung may matutunan ka kahit kaunti sa mga posts ko, masaya na ako. Kaya kung freelancer ka rin, aspiring VA, o curious pa lang sa WFH world—follow mo na ‘tong page. Sabay tayo matuto, sabay tayo mag-grow.

Gusto ko lang maging reminder na hindi ka nag-iisa. May community tayo. May mga taong ready rin umalalay sayo habang nagba-battle ka between diaper changes and client deadlines. ✨

Throwback sa unang Zoom call ko bilang VA—grabe, ibang level ng kaba ‘yun!Cellphone lang gamit ko nun, earphones pa na m...
31/07/2025

Throwback sa unang Zoom call ko bilang VA—grabe, ibang level ng kaba ‘yun!

Cellphone lang gamit ko nun, earphones pa na may sira yung mic, tapos ang hina pa ng internet namin, wala pa akong lightning eme.
Habang nag-iintroduce si client, ako tahimik lang sa gedli, kasi baka mag-choppy ako. Kinakabahan ako buong call, pero tinuloy ko pa rin kahit ang sagot ko lang sa interview ay puro “yes” or “no” o kaya "okay" literal, girl! Haha!

Wala pa akong masyadong alam sa freelancing nun. Di ko rin alam kung okay lang ba yung English ko kasi english carabao talaga. Pero sa totoo lang, kahit ganun ako ka-simple sumagot, natanggap pa rin ako. At doon ko na-feel na minsan, hindi skills agad ang tinitingnan — kundi yung willingness mong matuto. Napakabuti talaga ni Lord. 🙏

Hindi madali magsimula. Sobrang daming doubts, especially kung self-taught ka at wala kang support system. Pero ang natutunan ko: kapag nilabanan mo ang kaba at kinapalan mo lang mukha mo kahit konti, makakarating ka rin sa goal mo. Progress lang, kahit dahan-dahan.

Ngayon, iniisip ko kung sumuko ako nun… baka hindi ko maranasan ‘tong freedom na meron ako ngayon. Hindi man perfect, pero at least may choice na ako kung saan at paano ako magtatrabaho.

Kaya kung nagdadalawang-isip ka pa, try mo lang. Kahit cellphone lang muna, kahit simpleng salita lang, okay lang ‘yan. Magsimula ka lang. Darating din ang confidence, at darating din yung “break” mo. 💻✨

Address

San Jose Del Monte

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Digitally Dhine - WFH Mom posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Digitally Dhine - WFH Mom:

Share