SPCC Strategic Partnerships for Charitable Causes (SPCC)

🎉 HAPPY BIRTHDAY, VICE PRES. JM! 🎂💙Wishing you a wonderful birthday filled with happiness, laughter, love, and countless...
14/08/2026

🎉 HAPPY BIRTHDAY, VICE PRES. JM! 🎂💙

Wishing you a wonderful birthday filled with happiness, laughter, love, and countless blessings. May this new chapter bring you greater opportunities, success, good health, and the strength to continue inspiring the people around you.

May all your dreams and goals come closer to reality. Enjoy your special day—you truly deserve all the happiness today and always! 🥳✨

Happy Birthday, Vice Pres. JM De Castro! 🎈
— SPCC Family 💙

Isang solidong friendly game sa pagitan ng Team SPCC at San Pablo Unified Riders (SPURS) Delivery Services! Ang SPURS na...
09/07/2026

Isang solidong friendly game sa pagitan ng Team SPCC at San Pablo Unified Riders (SPURS) Delivery Services! Ang SPURS na sanay mag-deliver ng orders, sumubok naman mag-deliver ng mga tres! Pero siyempre, hindi rin nagpa-iwan ang SPCC.

Dumalo ang San Pablo Content Creators (SPCC) sa State of the City Address (SOCA) 2026 bilang pagpapakita ng pakikiisa sa...
08/07/2026

Dumalo ang San Pablo Content Creators (SPCC) sa State of the City Address (SOCA) 2026 bilang pagpapakita ng pakikiisa sa mga gawaing mahalaga para sa pag-unlad ng ating lungsod.

Bilang isang samahan ng mga boluntaryong San Pableño na nagtataguyod ng turismo, tamang impormasyon, at positibong nilalaman, kinikilala at iginagalang namin ang mga institusyon at mga pinunong nagsisilbi sa mamamayan.

Kasabay nito, nananatiling matatag ang paninindigan ng SPCC na maging non-partisan—walang kinikilingang kulay o panig sa usaping pulitikal. Ang aming pangunahing layunin ay maglingkod sa mamamayan sa pamamagitan ng responsableng content creation at aktibong pakikilahok sa mga programang makatutulong sa pag-unlad ng Lungsod ng San Pablo.

Patuloy kaming magiging katuwang ng komunidad sa pagbibigay ng makabuluhang impormasyon at sa pagsusulong ng isang mas maunlad at nagkakaisang San Pablo.

02/07/2026

ANO NGA BA?

Walang masama sa pagtatanong, lalo na kung ang layunin ay magkaroon ng malinaw na pag-unawa para sa kapakanan ng lahat.

Kaisa ng mamamayan ng San Pablo ang SPCC sa pagsusulong ng isang bukas, responsable, at nagkakaisang komunidad.

Hanggang ngayon, marami pa ring katanungan tungkol sa mga ipinatutupad na patakaran sa Sampalok Lake ang naghihintay ng malinaw na kasagutan. Kung may nais kayong ipaliwanag o linawin, bukas ang page na ito para sa maayos at makabuluhang talakayan.

02/07/2026

Yung bola, bilog. Yung pangarap mo, pwede rin.
Kahit tsinelas lang gamit, basta may puso sa laro. Laban lang! 🙏🏀

Bonding muna ang team spcc
01/07/2026

Bonding muna ang team spcc

Kaisa ang San Pablo Content Creators sa mga adhikain para sa mas maunlad na turismo sa ating lungsod!​Dumalo ang ilang m...
23/06/2026

Kaisa ang San Pablo Content Creators sa mga adhikain para sa mas maunlad na turismo sa ating lungsod!

​Dumalo ang ilang miyembro ng SPCC sa isinagawang Committee Hearing ngayong araw, June 23, upang makibahagi sa talakayan hinggil sa mga polisiya sa ating minamahal na Sampaloc Lake. Naniniwala ang grupo sa kahalagahan ng pagtutulungan ng mga vendors, namamasyal, at mga awtoridad upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng ating lawa para sa lahat.

💙 Maligayang Araw ng mga Ama! 💙Sa lahat ng tatay na walang sawang nagsisikap, nagsasakripisyo, at nagsisilbing gabay at ...
21/06/2026

💙 Maligayang Araw ng mga Ama! 💙

Sa lahat ng tatay na walang sawang nagsisikap, nagsasakripisyo, at nagsisilbing gabay at inspirasyon sa kanilang pamilya, taos-puso po kaming bumabati ng isang masayang Father's Day!

Salamat sa inyong pagmamahal, tiyaga, at lakas na nagbibigay inspirasyon sa bawat tahanan.

Mabuhay ang lahat ng ama! 👨‍👧‍👦✨




14/06/2026

Isang hapon na puno ng ngiti at pag-asa! ❤️
Masaya ang San Pablo Content Creators (SPCC) na makapaghatid ng konting tulong at saya para sa mga kabataan ng Bio Calihan Spc ngayong hapon sa Farconville Court. 🎒🍎
Lubos kaming nagpapasalamat kay Kapitan Dandi Medina at SK Chairperson Berlyn Estrella sa mainit na pagtanggap at pagsuporta upang maging matagumpay ang ating feeding program at pamimigay ng school supplies.

Hindi rin magiging posible ang tagumpay ng proyektong ito kung hindi dahil sa ating mga mapagbigay na sponsors.

Maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta:

•Ayckies Yummy Treat
•Cristina Ube Halaya
•Tindahan ni Aling Nena
•Tikman Moto
•Jemerson Maghirang
•Sienna Klyne
•Crave Buddies
•Konsi Gel Adriano
•Sonny Corcolon
•VGob JM Carait
•chairman abet maghirang &maam angie ng sto angel

Hangad namin na sa simpleng pagkilos na ito, madagdagan ang inspirasyon ng bawat batang tumanggap ng ating munting regalo.
Patuloy tayong magtulungan para sa mas maliwanag na bukas ng ating mga kabataan! 🌟

SPCC KIDS COMMUNITY PROJECTMuling ipapakita ng San Pablo Content Creators ang pagkakaisa at sasamahan ito ng pagmamahal....
28/05/2026

SPCC KIDS COMMUNITY PROJECT

Muling ipapakita ng San Pablo Content Creators ang pagkakaisa at sasamahan ito ng pagmamahal. Sa darating na June 14, 2026, 3-6pm magaganap ang “Kids Community Feeding Project”para sa mga bata na Brgy. Calihan, San Pablo City. Layunin nito na magbigyan ng saya at surpresa ang mga munting San Pablenyo.

Inaanyayahan namin ang lahat na maging bahagi ng simpleng proyektong ito. Anumang halaga ay malaking tulong upang makapaghatid tayo ng mas maraming ngiti at inspirasyon sa mga bata,

Sa mga gustong magbigay:

GCash Number: 09103818836
GCash Name: Jenver M.

Para sa mga gustong maging sponsor o partner, maaari rin po kayong mag-message sa aming page.
Sama-sama nating patunayan na sa simpleng pagtulong, may malaking pagbabagong maibibigay sa komunidad.

“Tayo ang kwento. Tayo ang pag-asa.”






Address

San Pablo City
4000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SPCC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share