Nikko Perez

Nikko Perez ๐˜š๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ญ-๐˜ญ๐˜ช๐˜ง๐˜ฆ ๐˜ฆ๐˜น๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ ๐˜ค๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฏ ๐˜ง๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฎ.
๐˜‘๐˜ถ๐˜ด๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ฎ๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ฌ ๐˜ต๐˜ฐ.

แถ แต’หกหกแต’สท ห‘ แถ แต’สณ ห‘ แตแต‰แตƒโฟโฑโฟแตแถ แต˜หก ห‘ แถœแต’โฟแต—แต‰โฟแต—

"5 Bagay na ginagawa mokaya pinagpapala ka ni Lord."Hindi lahat ng pagpapala ni Lord ay pera. Minsan, tahimik Niyang ibi...
04/10/2026

"5 Bagay na ginagawa mo
kaya pinagpapala ka ni Lord."

Hindi lahat ng pagpapala
ni Lord ay pera.

Minsan, tahimik Niyang
ibinabalik saโ€™yo ang
kabutihang ginagawa mo
kahit walang nakakakita.

1. Tumutulong ka kahit ikaw
mismo ay kapos.

2. Nagpapatawad ka kahit
nasaktan ka.

3. Nagbibigay ka kahit walang
kapalit na hinihintay.

4. Naging mabuti ka kahit
hindi naging mabuti ang iba saโ€™yo.

5. Patuloy kang nagtiwala kay
Lord kahit hindi mo pa nakikita
ang sagot sa panalangin mo.

Huwag mong isipin na walang
saysay ang kabutihang ginagawa
mo dahil walang nakakakita.

May mga bagay na hindi nakikita
ng tao, pero nakikita ni Lord.

At sa tamang panahon, Siya
mismo ang bahalang bumawi saโ€™yo.

Kung nagustuhan mo
ang ganitong klaseng
content na may wisdom
at realtalk at may direction,
follow mo ako para
masmarami ka pang
matutunan.๐Ÿซถ๐Ÿป


"Habang ang ibang bata ay may tahanang uuwian, may mga batang sa lansangan natutong mabuhay nang mag-isa."May mga batang...
03/10/2026

"Habang ang ibang bata ay
may tahanang uuwian, may
mga batang sa lansangan
natutong mabuhay nang
mag-isa."

May mga batang hindi naman
piniling lumaki sa lansangan.

May mga magulang na piniling
takasan ang responsibilidad na
dapat nilang ginagampanan.

Sa murang edad, imbes na
yakap, gabay, at seguridad
ang maranasan, napilitan
silang matutong mabuhay
sa sarili nilang paraan.

Ang pagkakaroon ng anak ay
hindi lang tungkol sa pag-aanak
may kasama itong responsibilidad
na alagaan, protektahan,
at gabayan ang batang hindi
naman humiling na ipanganak.

Huwag nating gawing normal
ang batang kailangang maging
matatag dahil walang naging
responsable para sa kanya.

Hindi dapat ang bata ang
nagbabayad sa kapabayaan
ng matatanda.

Kung nagustuhan mo
ang ganitong klaseng
content na may wisdom
at realtalk at may direction,
follow mo ako para
masmarami ka pang
matutunan.๐Ÿซถ๐Ÿป


"Hindi mo sila Tinulungantinuturuan mo lang silangmaging tamad."HINDI LAHAT NG PAGTULONG, AY NAKAKATULONG.Minsan, hindi ...
03/10/2026

"Hindi mo sila Tinulungan
tinuturuan mo lang silang
maging tamad."

HINDI LAHAT NG PAGTULONG,
AY NAKAKATULONG.

Minsan, hindi mo na sila
tinutulungan kundi tinuturuan
mo na silang maging tamad
at umasa.

Sa bawat problema na ikaw
ang sumasagot, sa bawat
responsibilidad na ikaw ang
umaako, at sa bawat
pagkakataong hindi mo sila
hinahayaang magsikapโ€ฆ

unti-unti mong inaalis sa
kanila ang dahilan para
matutong tumayo sa sarili
nilang paa.

Hindi masamang tumulong.

Pero may tamang hangganan
ang tulong.

Tulungan mo silang makabangon,
pero huwag mong buhatin
habang-buhay.

Dahil minsan, ang pinakamahirap
na klase ng tulong ay ang
pagtanggi sa tulong para
matutunan nilang kayanin
ang sarili nila.

REAL TALK Kailan nagiging
โ€œtulongโ€ ang isang bagay na
nagtuturo na lang maging palaasa?

Kung nagustuhan mo
ang ganitong klaseng
content na may wisdom
at realtalk at may direction,
follow mo ako para
masmarami ka pang
matutunan.๐Ÿซถ๐Ÿป


"Huwag mong tulungan angmga taong ungrateful."Hindi masama ang tumulong.Pero huwag mong ubusin ang sarili mo para sa tao...
03/10/2026

"Huwag mong tulungan ang
mga taong ungrateful."

Hindi masama ang tumulong.
Pero huwag mong ubusin ang
sarili mo para sa taong hindi
marunong magpahalaga.

Minsan, kahit anong gawin
mong kabutihan, kapag
nasanay silang ikaw ang
laging nandiyan, ituturing
nilang obligasyon ang tulong mo.

Tumulong ka dahil mabuti
kang tao pero matuto ka ring
magtakda ng hangganan.

Hindi lahat ng nangangailangan
ay kailangan mong sagipin,
lalo na kung paulit-ulit ka nang
ginagamit.

Ang pagtulong ay kabutihan,
pero ang pagkakaroon ng
boundaries ay respeto rin sa sarili.

Kung nagustuhan mo
ang ganitong klaseng
content na may wisdom
at realtalk at may direction,
follow mo ako para
masmarami ka pang
matutunan.๐Ÿซถ๐Ÿป


"Huwag mong ipasa sa anakmo ang hirap ng buhay."Huwag mong ipasa sa anak mo ang hirap ng buhay na ikaw mismo ang gustong...
02/10/2026

"Huwag mong ipasa sa anak
mo ang hirap ng buhay."

Huwag mong ipasa sa anak mo ang hirap ng buhay na ikaw mismo ang gustong takasan noon.

Kung naranasan mong magutom, mapahiya, mapagod, o magsakripisyo nang sobra, gawin mong dahilan iyon para gumaan ang buhay ng susunod na henerasyon hindi para iparanas sa kanila ang parehong sakit.

Hindi masamang bigyan ang anak ng magandang buhay.

Hindi ibig sabihin nito na pinalalaki mo siyang mahina o spoiled.

Ang mahalaga, kasabay ng kaginhawaan ay tinuturuan mo siyang maging responsable, masipag, marunong lumaban sa buhay, at marunong magpasalamat.

Dahil ang tunay na layunin ng isang magulang ay hindi:

โ€œNahirapan ako, kaya dapat mahirapan ka rin.โ€

Kundi:

โ€œNahirapan ako, kaya gagawin kong mas maayos ang buhay mo pero tuturuan kitang maging matatag upang hindi ka tuluyang lamunin ng kaginhawaan.โ€

Hindi mo kailangang ipamana ang lahat ng sugat para lamang masabing natuto ang anak mo.

Maaari mo siyang turuan sa pamamagitan ng gabay, disiplina, mabuting halimbawa, at pagmamahal hindi sa pamamagitan ng pagpaparanas ng sakit na kaya mo namang ilayo sa kanya.

Tandaan ang pag-unlad ng anak ay hindi pagtataksil sa hirap na pinagdaanan mo.

Ito ang patunay na hindi nasayang ang lahat ng sakripisyo mo.

Kung ikaw ang unang nakaranas ng hirap, sana ikaw rin ang maging dahilan kung bakit matatapos ito sa iyong henerasyon.

Huwag mong gawing pamana ang trauma.

Gawin mong pamana ang karunungan, katatagan, mabuting asal, at mas magandang kinabukasan.

Kung nagustuhan mo
ang ganitong klaseng
content na may wisdom
at realtalk at may direction,
follow mo ako para
masmarami ka pang
matutunan.๐Ÿซถ๐Ÿป


"Kapag sobrang bigat na, isuko mo na kay Lord."Hindi dahil mahina ka.Hindi dahil wala ka nang pag-asa.Kundi dahil may mg...
02/10/2026

"Kapag sobrang bigat na, isuko mo na kay Lord."

Hindi dahil mahina ka.
Hindi dahil wala ka nang pag-asa.

Kundi dahil may mga laban na hindi mo kailangang buhatin mag-isa.

Minsan, ang kailangan mo lang sabihin ay:

โ€œLord, pagod na po ako.

Ikaw na po ang bahala.โ€

At tandaan mo ang pagsuko kay Lord ay hindi pagsuko sa buhay.

Ito ay pagtitiwala sa Kanya.

Hindi man agad mawala ang problema, bibigyan ka Niya ng lakas para harapin ito.

Minsan, hindi Niya inaalis ang bigat dahil may itinuturo Siya sa atin ang maging matatag, mapagpakumbaba, at mas lalong kumapit sa Kanya.

Kapag ipinagkatiwala mo kay Lord ang lahat, hindi ibig sabihin na wala ka nang gagawin.

Gagawin mo pa rin ang iyong makakaya, pero hindi ka na kikilos nang puno ng takot, dahil alam mong may Diyos na gumagabay sa bawat hakbang mo.

Kaya kung pagod ka na, huminto ka sandali, manalangin, at magtiwala.

Ang laban na ipinasa mo kay Lord ay laban na hindi mo kailangang harapin nang mag-isa.

Sa tamang panahon, mauunawaan mong ang bawat luha, paghihintay, at pagsubok ay bahagi ng plano Niya para mas maging matatag ang iyong pananampalataya.

Kung nagustuhan mo
ang ganitong klaseng
content na may wisdom
at realtalk at may direction,
follow mo ako para
masmarami ka pang
matutunan.๐Ÿซถ๐Ÿป


"Oo mahalaga ang mga pangarapmo pero masmahalaga ang buhay na ipinagkaloob sayo ni Lord."-LANSMahalaga ang mga pangarap ...
02/10/2026

"Oo mahalaga ang mga pangarap
mo pero masmahalaga ang buhay
na ipinagkaloob sayo ni Lord."
-LANS

Mahalaga ang mga pangarap mo,
pero huwag mong kalimutang mas
mahalaga ang buhay na ipinagkaloob
saโ€™yo ni Lord.

Hindi lahat ng bagay kailangang
madaliin.

May mga pangarap na puwedeng
maantala, pero ang buhay at oras
na lumilipas, hindi na maibabalik.

Pangarapin mo.

Ipaglaban mo.

Pero huwag mong kalimutang
alagaan ang sarili mong buhay.

Magpahinga ka kapag pagod ka na.

Hindi ibig sabihin ng paghinto ay
pagsuko minsan, kailangan mo
lang huminto sandali para
muling makapagpatuloy nang
mas matatag.

Huwag mong ikumpara ang takbo
ng buhay mo sa iba, dahil may kanya-
kanyang panahon at proseso ang
bawat isa.

Darating din ang tamang panahon.

Magtiwala ka kay Lord, dahil kahit
hindi mo pa nakikita ang buong plano,
alam Niyang ihahatid ka Niya sa lugar
na para saโ€™yo.

Tandaan mo hindi nasusukat ang
tagumpay sa bilis ng pag-abot sa
pangarap, kundi sa paraan ng
paglalakbay kung paano ka
nanatiling matatag, mapagpakumbaba,
at may pananampalataya.

Huwag mong isakripisyo ang buhay
para sa pangarap.

Sa halip, mabuhay ka nang may
layunin habang unti-unti mong
tinutupad ang
mga ito.

Dahil ang tunay na tagumpay ay hindi
lamang ang makarating sa destinasyon,
kundi ang makarating doon nang buo
pa rin ang iyong puso, kalusugan, at pananampalataya.

Kung nagustuhan mo
ang ganitong klaseng
content na may wisdom
at realtalk at may direction,
follow mo ako para
masmarami ka pang
matutunan.๐Ÿซถ๐Ÿป


"Ano kaya thought process ng mga mahilig maganak tapos hindi kayang buhayin?"Minsan mapapaisip ka talaga Bakit ang damin...
01/10/2026

"Ano kaya thought process
ng mga mahilig maganak
tapos hindi kayang buhayin?"

Minsan mapapaisip ka talaga
Bakit ang daming gustong mag-
anak, pero hindi pinag-iisipan
kung paano bubuhayin ang
mga anak?

Ang pagkakaroon ng anak ay
hindi lang tungkol sa pagbuo
ng pamilya.

May kasamang responsibilidad,
gastos, oras, pagpapalaki at
pangmatagalang commitment.

Hindi naman kailangang maging
mayaman bago magkaanak.

Pero sana, bago dagdagan ang
pamilya, pinag-iisipan din kung
paano matutugunan ang mga
pangunahing pangangailangan
ng bawat bata.

Dahil ang anak ay hindi
responsibilidad na puwedeng
ipasa sa ibang tao.

Ang tunay na pagmamahal sa
anak ay hindi lang ang pagnanais
na magkaroon sila kundi ang
paghahanda na maging responsable
sa buhay na pipiliin mong dalhin
sa mundo.

Kung nagustuhan mo
ang ganitong klaseng
content na may wisdom
at realtalk at may direction,
follow mo ako para
masmarami ka pang
matutunan.๐Ÿซถ๐Ÿป


"God will use you to be a blessing to others."Minsan, hindi ka pinagkalooban ni Lord para sa sarili mo lang. Baka kaya k...
01/10/2026

"God will use you to be a
blessing to others."

Minsan, hindi ka pinagkalooban
ni Lord para sa sarili mo lang.

Baka kaya ka Niya binibigyan
ng lakas, pagkakataon,
at blessings dahil gagamitin
ka Niya para maging blessing
din sa iba.

Hindi kailangang malaki ang
kaya mong ibigay.

Minsan, isang tulong, isang
mabuting salita, o simpleng
pagdamay lang malaki na
ang epekto sa taong
nangangailangan.

Kapag pinagpala ka, huwag
mong kalimutang magpala rin.

Dahil ang tunay na blessing,
hindi lang tinatanggap
ipinapasa rin.

Kung nagustuhan mo
ang ganitong klaseng
content na may wisdom
at realtalk at may direction,
follow mo ako para
masmarami ka pang
matutunan.๐Ÿซถ๐Ÿป


"Wala akong pakialam sasinasabi ng mga naninira, ang gusto ko lang ay makatulong."-Ivana AlawiHindi kailangang patunayan...
01/10/2026

"Wala akong pakialam sa
sinasabi ng mga naninira,
ang gusto ko lang ay
makatulong."
-Ivana Alawi

Hindi kailangang patunayan
ang sarili sa mga taong nakatuon
sa paghahanap ng mali.

Ang mahalaga, kahit may
kumokontra, may taong
natutulungan ka.

Hindi lahat ng ginagawa
mong mabuti ay maiintindihan
ng lahat.

Minsan, habang tumutulong
ka, ikaw pa ang pag-uusapan
at sisiraan.

Pero tandaan huwag mong
hayaang baguhin ng paninira
ng iba ang mabuting puso
na meron ka.

Ang kabutihan, hindi kailangang
ipagsigawan.

Makikita rin ang bunga nito.

Kung nagustuhan mo
ang ganitong klaseng
content na may wisdom
at realtalk at may direction,
follow mo ako para
masmarami ka pang
matutunan.๐Ÿซถ๐Ÿป


Address

BGC
Taguig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nikko Perez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share