21/06/2020
Hindi mananahimik at hindi titigil sa paglaban ngayong Pride Month kahit na nasa ilalim pa rin ng isang pandemya.
Ngayong , samahan ang Q***r Quezon sa patuloy na pagtuklas at pag-angkin ng mga espasyo sa tahanan man o sa lipunan upang patuloy at ganap na lumaya mula sa mga kadena ng tradisyon na nagsanga ng maraming uri ng opresyon laban sa LGBTQ community. Matagal pa ang laban, ngunit marami na rin ang maaring ipagdiwang.
Samahan nyo kami sa June 26, 2020 | 8PM sa Facebook (FB Live) at sama sama nating palakasin ang selebrasyon at panawagan ng LGBTQ community.