20/07/2023
Lumaki din ba kayo sa mga sinasabi ng matatanda na, "ang kaliwa ay kanin ang kanan ay tubig" kapag ikaw ay nagpapadede kay baby. 🙈
Kung oo, basahin mo ito, dahil MYTH lang yun.
Alam mo ba na may dalawang klase ng gatas ng ina, ito ay ang 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙢𝙞𝙡𝙠 𝙖𝙣𝙙 𝙛𝙤𝙧𝙚𝙢𝙞𝙡𝙠? Kung mapapansin nyo na nagbabago ang kulay ng breastmilk o ang gatas ng ina.
Ano nga ba ang 𝙛𝙤𝙧𝙚𝙢𝙞𝙡𝙠?
Ang foremilk ito yung karaniwang unang lumalabas sating breast kapag nag start na maglatch o dumede o magpump. Ang foremilk ay ang nagtatanggal ng uhaw ni baby karaniwan na ang kulay nito ay hindi gaanong puti o malabnaw. Meron itong lactose and protein pero hindi ito mataas sa calories or fats.
Ano naman ang 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙢𝙞𝙡𝙠?
Ang hindmilk naman ay kadalasang maputi , malapot or creamy. Mataas ito sa fats and calories lumalabas ito kapag nasa kalagitnaan o malapit na matapos dumede si baby or malapit na matapos ang pumping session.
Ang 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙢𝙞𝙡𝙠 𝙖𝙣𝙙 𝙛𝙤𝙧𝙚𝙢𝙞𝙡𝙠 ay parehas na dapat madede o mainom ni baby parehas lang itong mayaman sa sustansya parehas din itong kailangan ni baby ☺️
PS: Yung nasa picture ay let down milk ko na parehas galing sa magkabilang breast. Kaya hindi po totoo na kanin o tubig sa magkabila dahil parehong gatas po ang lumalabas both breast 😂
-Mommy Aileen
Your Breastfeeding Peer Counselor ❤️