19/08/2023
Gagawin mo ba kapag walang nakatingin? Kaya mo bang magtrabaho ng maayos ng walang nakatingin?
Kung hindi ay wag ka nalang magfreelancing..
Sa buhay ng nagttrabaho ng nasa bahay at walang nagbababantay (depende nalang kung may tracker or video monitor), pwede kang matukso na magpanggap na ginagawa mo ang trabaho mo kahit hindi naman. .
Wag mo sanang pamarisan ang ibang tao at mas lalo na ang kapwa mo Pilipino na proud pang ganun ang ginagawa nila.
Linawin ko lang, iba ang petiks sa trabaho dahil tapos na niyang gawin yung kelangan niyang gawin at magaling na siya sa ginagawa niya kaua niya mabilis natatapos ang tasks niya VS sa sadyang nanloloko lang...
Hindi ko alam kung gano na kalaganap ang ganitong gawain ah pero kung umabot tayo sa punto na iwas ng maghire ang mga business owners ng Pilipino dahil maraming silang masasamang experience, lahat tayo magiging apektado.