03/05/2026
Yung akala mong quick help… naging monthly problem.
Minsan kulang talaga ang budget.
So ang unang naiisip - online loan.
Aba'y bakit hindi?
Mabilis ma-approve.
Walang masyadong proseso.
May pera agad.
Nice!!👌 Solve na ang problema.
Pero pagdating ng due date…
Hindi pala sapat yung sweldo.
May iba pa palang bayarin.
Hindi mababayaran nang buo yung loan..
So ang ending?
Nadadagdagan yung charges.
Mas lumalaki yung kailangan bayaran.
At ang malala, panay ang follow-up sa bayad mo.
Mas lalo nang naging stressful.
Hindi dahil sa loan mismo, kundi dahil sunod-sunod na yung bayarin na ang hirap pagsabay-sabayin.
Kung hindi ka sigurado kung saan kukunin yung pambayad sa darating na bill date,
then, hindi ito ang right time para umutang.
Simpleng paalala lang po.
💾 Save mo ‘to
💬 Comment “relate” kung familiar ‘to sa iyo
🔗 Follow .ph for real-life na money tips