25/06/2026
HELP SAVE OUR LITTLE WARRIOR, ALDRICH
Hindi po namin akalaing darating ang araw na kailangan naming humingi ng tulong para sa buhay ng isang batang dapat ay naglalaro lamang at walang ibang iniisip kundi ang maging masaya.
Si Aldrich Grimpula ay isang 3 taong gulang na bata na kasalukuyang lumalaban sa isang napakahirap at agresibong uri ng cancer na tinatawag na Rhabdomyosarcoma. Sa murang edad, imbes na mga laruan at tawanan ang kasama niya araw-araw, mga ospital, gamot, laboratory tests, at sakit ang kanyang kinakaharap.
Bilang pamilya, masakit pong makita ang isang batang walang kamalay-malay na dumaranas ng ganitong matinding pagsubok. Araw-araw po naming ipinagdarasal na sana ay gumaan ang kanyang kalagayan, ngunit kasabay nito ay patuloy ding tumataas ang gastusin para sa kanyang gamutan.
Sa ngayon po, hindi na po sapat ang aming kakayahang pinansyal upang maipagpatuloy ang lahat ng kanyang pangangailangang medikal. Kaya naman buong pagpapakumbaba po kaming lumalapit sa inyong mabubuting puso.
Kahit maliit na halaga lamang po ay malaking tulong na para kay Aldrich. Kung hindi man po kayo makapagbigay, malaking bagay na rin po ang inyong dasal at pag-share ng post na ito. Bawat piso, bawat panalangin, at bawat share ay nagbibigay sa amin ng pag-asa na maipagpapatuloy ang kanyang laban.
Nakikiusap po kami bilang pamilya... tulungan po nating mabigyan ng pagkakataon si Aldrich na maranasan pa ang mas mahaba at masayang buhay na nararapat para sa isang bata.
DONATION DETAILS
RCBC
Account Name: ALYSSA JOY GRIMPULA
Account Number: 9051025593
GCash: 09663271138
Account Name: ALYSSA JOY GRIMPULA
Maaari rin po kayong mag-message para sa medical records at iba pang detalye.
Mula po sa aming pamilya, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa bawat tulong, dasal, at pagbabahagi ng post na ito.
Please help save Aldrich.
Every donation can help save a life. Every prayer gives us strength. Every share brings hope.
Pray for Simon