21/08/2023
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQS)
1. Q: Legit ba 'to?
A: K2Asia po ay authorized sales partner ng PLDT na nagpoproseso ng applications sa buong bansa (National Key Account Distributor)
AA: Team po kami ng freelance agents na nagma-manage ng mga pages para mas maraming maabot na subscribers.
2. Q: Paano kung ayaw ko magsend ng personal information at requirements sa Messenger?
A: May mga website links po tayo kung saan pwede magdirect sign up ang subscribers. Pwede po ito banggitin sa inyong agent kung ito ang preference niyo.
3. Q: Anong mga pwede niyo i-process?
A: New applications lang po ang pinoproseso natin. Kung ang issue natin ay customer or post-sales service, wala pong hawak na information ang sales channels regarding existing accounts (relocation, upgrade, downgrade, termination atbp.)
4. Q: Pwede ba ako mag-apply?
A: If 18 years old and up at may valid ID pwede na po mag-apply.
5. Q: Paano ang process at gaano katagal?
A: Subjective po ang duration ng process at subject sa clearance ang lahat ng requirements at documents submitted.
AA: Kung wala pong dating account sa PLDT ang mag-aapply at walang history ng disconnected accounts ang address na naputulan ng PLDT, pwede pong maapprove ang application within 2-3 days.
6. Q: Paano kung may dati na akong account na naputol sa PLDT?
A: Kung hindi niyo po natapos ang contract/lock-in possible po na may unsettled balance po kayong naiwan sa PLDT at madidisapproved lang po sa validation unless settled niyo na po ito.
AA: Kung may iba pong may valid ID sa household niyo, pwedeng sila po ang mag-apply.
7. Q: Paano kung may naputol nang PLDT account sa residence namin?
A: Sa mga naka-blacklisted address, dalawa po ang possible clearance documents na hingin:
a. proof of billing: kahit hindi nakapangalan sa subscriber, need lang ng authorization (pirma at valid id ng may-ari)
b. proof of address: nakapangalan sa subscriber (tubig, kuryente, credit card bill, contract of lease, deed of sale)
8. Q: Nagpasa na ko ng information, bakit ang tagal ma-approve?
A: Common cause ng delay sa encoding ay incomplete address. Siguruhin po natin na kumpleto ang address lalo na ang house number. Kung wala pong house number, icheck ang nakalagay sa utility bills or census o kung pang-ilan po ang bahay niyo mula sa main road. Kapag hindi po ma-locate ang residence niyo sa address system ng PLDT hindi po magp-proceed sa next step.
AA: Pwede rin pong magkaproblema sa valid ID na sinusumite (hindi primary government ID, malabo/may flash at hindi mabasa ang nakasulat na information for verification)
9. Q: Approved na ang application ko, bakit hindi pa nakakabitan?
A: Approved na ang application kung pumasa ito sa credit validation (walang nakitang history sa name at address na kakabitan). May dalawang possible reason kung bakit tumatagal ang proseso after approval:
a. Naka-FOR PAYMENT status na ang approved application at hindi pa settled ang 1 month advanced ng subscriber (mga nasa hotspot barangay)
b. If paid na or hindi naman hotspot pero matagal pa sa isang linggo bago makabitan, possible na walang available fiber facility o port/slot sa area.
10. Q: Nagbayad na ako at wala daw facility/slot. Saan pwede magrefund at gaano katagal?
A: Nagrerefund po ang PLDT sa mga branch offices nito, ipakita niyo lang po ang account number. Sa ilang kaso tumatagal po ito nang 1-2 months.