16/07/2023
ANG POST NA ITO AY MARAMING NALABAG SA PANUNTUNAN NG ISLAM❗❗❗
👉 Ang ating post ay bilang pagbibigay babala at paalaala upang maiwasan ang ganitong hindi kanais-nais na gawain at hindi narin pamarisan❗
☆ Alalahanin na ang paglalagay mo ng iyong sertipiko o anumang karangalan “honor“ sa puntod ng iyong mahal sa buhay ay hindi magbibigay pakinabang sa taong namayapa at hindi batid ng namayapa ang anuman na iyong ginawa,
Bagkus ito ay kabilang sa gawaing imbento at paggaya sa gawain ng hindi mananampalataya na hindi kanais-nais na maaring mahulog sa gawaing Bid’ah❗❗
👉 NARITO ANG IILAN SA NALABAG SA NASABING POST:
1-PAGDALAW NG BABAE SA LIBINGAN
- Ang pagdalaw ng kababaihan sa libingan ay isang kasuklam-suklam “hindi kanais-nais” hindi lamang natatangi sa libingan ng mga malalapit na kamag-anak bagkus pati narin ang pagdalaw ng kababaihan sa libingan ng Propeta
👉 Sinabi ni Propeta Muhammad (Sumakanya nawa ang Biyaya at Kapayapaan):
“Isinumpa ni Allah ang mga kababaihang madalas dumalaw sa mga libingan”
- Ang Hadith na nag-uutos sa pagdalaw ng libingan ay natatangi lamang sa mga kalalakihan!
2- ANG PAGLALAGAY NG ISTRAKTURA SA LIBINGAN
👉Kabilang sa iiilang ipinagbabawal na pagkagawa ng libingan ay mga sumusunod:
a-Ang pagpapatayo ng istraktura sa libingan
b -Pagpalitada sa mga libingan
c- Paglalagay ng marka katulad ng paglagay ng bote o ispada sa taas ng libingan o pagsusulat rito etc..
👉 Isinalaysay ni Jabir (kalugdan siya ni Alalh):
Ang Sugo ni Allah ay nagbabawal ng pagpapalitada o takip ng mga libingan, pag-upo sa libingan, at paggawa ng istruktura sa kanila." Sahih Muslim 970
3- ANG PAG-UPO SA BILANGAN
👉 Hadith: "Ipinagbawal ng Sugo ni Allah ang pag-upo sa libingan." Sahih Muslim 970
👉 Sa ibang ulat: "Ang masunog ang damit ng tao pati ang kanyang katawan ay higit na mabuti sa kanya kaysa umupo o sumandig sa libingan."
4-ANG PAGLAGAY NG SERTIPIKO O KARANGALAN SA ITAAS NG PUNTOD (ito ay isang makabagong imbento na naman ng mga tao na hindi kanais-nais na gawain)
👉 KUNG NAIS MONG GUMAWA NG KABUTIHAN NA MAKAKARATING ANG GANTIMPALA NITO SA TAONG NAMAYAPA, MAAARING GAWIN ANG MGA SUMUSUNOD:
a- PAGSAGAWA NG DUA (panalangin) “best of the best”
-Ang pinaka mainam na gagawin para sa yumaong Muslim ay ang pagsagawa sa kanya ng DUA ng lingid.
- Ipanalangin siya ng habag, kapatawaran sa mga kasalanan, palagpasin sa anumang kaparusahan, papasukin sa paraiso at itaas ang kanyang antas
b- PAGSAGAWA NG SADAQA (kawanggawa)
- Ang pagsagawa ng SADAQA (kawanggawa para sa kanya) ay napagkaisahan ng mga pantas sa islam at SADAQA ay maaari sa pagkain, pera, damit o anumang mga bagay na may pakinabang
c- PAGSAGAWA NG UMRAH AT HAJJ
- Maaring isagawa sa yumao ang Hajj kapag siya ay hindi nakapag-Hajj, sa kundisyon na ang magsasagawa ng Hajj para sa kanya ay nagawa na niya ang Hajj para sa sarili
-Ang Hajj at Umrah ay pawang nagbibigay pakinabang sa yumao ayon kay Shaikh Bin Bazz
d- PAGBAYAD SA MGA UTANG NITO
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
-حديث: "نهى رسول الله صلى الله عليه وسلم أن يُجصص القبر، وأن يُقعد عليه"صحيح مسلم
-حديث: "لعن الله زائرات القبور"
Repost by:
✍️ Zulameen Sarento Puti