07/06/2026
TINGNAN | Nakipagpulong si Sen. Sherwin Gatchalian sa mga empleyado ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA), kasama sina Senate Secretary Rey Bantug Jr. at Sergeant-at-Arms Alfredo Sotto Corpuz.
Ayon kay Gatchalian, mahalaga ang bukas na komunikasyon upang mapanatili ang pagkakaisa at matiyak ang ligtas at maayos na operasyon ng Senado.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pakikinig sa mga pangangailangan ng mga kawani bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa araw-araw na pagpapatakbo ng institusyon.
📸 Senator Win Gatchalian