02/01/2019
Why New Year’s Resolution Sucks?
Happy New Year! Nagsulat ka ba ng mga New Years resolution mo?
Kaso alam mo bang mahigit 90% ng mga new years resolution ay hindi natutupad?
Alam mo ba kung bakit?
Kasi dapat wala kang New Years reolution. Explain ko sayo mamaya bakit...
Tignan muna natin ano bang madalas sinusulat sa mga New Years Resolution?
Diba parang mga ganito…
- Hindi na ‘ko kakain ng junk food.
- Hindi na ‘ko magiging magastos.
- Hindi nako magyoyosi.
Etc.
Kung mapapansin mo puros mga habit ‘yan ng isang tao.
Pagkain ng junk foods, pagiging magastos (impulsive buying), pagbi-bisyo
..lahat yan habit at mga nakasanayan na.
Ang problema, pag ganyan ka magsulat ng ng resolution, nilalabanan mo kung anong mga nakasanayan mo na.
At napakahirap basagin o putulin ng mga habit.
Pag nakasanayan mo na, ang hirap ng baguhin kasi nga hinahanap-hanap mo na.
Another example ng new years resolutions ay ito...
- Sa 2019 magpapapayat na ko.
- Sa 2019 magiipon na ko.
- Sa 2019 magbi-business na ko.
Ang problema naman dyan sa ganyang resolution ay vague or malabo!
Mga goals na walang detalye.
Pag ganyan ang ginawa mo malamang pag patak pa lang ng February nakalimutan mo na ang resolution mo.
So anong gagawin mo?
Wag kang mag New Years Resolution.
Ako kaya wala akong New Years Resolution dahil ang meron ako ay…
“New Years Plan Of Action”
Pano yan? Imbis na lalabanan at babaguhin mo yung mga habit nakasanayan mo na,
..at imbis na magsusulat ka ng mga goals na malabo,
Ang gagawin mo, gagawa ka ng mga...
1) Bagong Habits
2) Malinaw Na Plano
Yup! Gagawa ka ng mga bagong habits na makakasanayan mo at malinaw na plano na tutulong sayo para makuha mo yung mga goals mo.
Ganito pwede mong gawin...
Ask yourself… anong pinaka gusto mong ma-achieve sa 1st quarter ng 2019.
Anong gusto mong ma-achieve sa January? How about sa February? Sa March?
For example ako ang focus ko sa January ay magkaron ng mas maayos na accounting procedure for my business.
Gusto ko din matapos yung 2 bagong courses ko by February. By March naman gusto kong gumawa ng app.
Kaya sinulat ko yun sa isang Journal.
January ang focus ko ay ______. February ito naman., etc.
Tapos breakdown ko yun per week. Sinulat ko kung anong kaylangan kong ma-accomplish sa 1st, 2nd, 3rd, at 4th week ng January, February at March.
Tapos pinaka huli sinulat ko kung ano-ano yung mga specific task na kaylangan kong ma-accomplish saraw-araw. Ginawa ko yung very specific.
Ito yung magiging blueprint or game plan ko para makuha yung goals mga goals ko for 2019.
Pwede mo ding gawin ito.
Sa January ang goal mo ba mag-start ng business? Gusto mo bang pumayat? Gusto mo bang palaguin pa ang business mo? Kahit ano pa yan gawan mo yan ng malinaw na plano.
Pwede kang bumili ng planner. O kaya yung journal. Tulad ng mga pinamimigay nila sa Starbucks at Coffeebean.
Yung nasa picture yan yung gamit ko for this year. Regalo ng asawa ko. (Thanks hon (: )
Tapos doon mo isusulat ng detalyado yung mga gusto mong ma-achieve sa 1st quarter.
Hindi kaylangang buong taong plano kagad.
Focus ka muna sa 1st 3 months. Jan, Feb at March.
Gawa ka ng Monthly, Weekly at Daily Goals for the 1st quarter.
Tapos ‘pag pasok ng March, simulan mo ng gawin yung 2nd quarter plan of action mo.
Ano-ano naman yung susunod na plano mo para sa April, May June.
Yan na yung magiging blueprint or game plan mo para makuha yung goals mga goals mo for 2019.
Hindi mo kaylangan ng new years resolution kung meron kang malinaw na Plan Of Action.
Basta siguraduhin mo lang na gagawin mo talaga yung eksaktong mga sinulat mo ha?
There you go! I hope may naitulong sa’yo ito.
Happy New Year ulit!
PS - So ano-anong isusulat mo sa 2019 Action Plan mo? Can you share it sa comment section?
Oo nga pala may live webinar ako sa next Tuesday, Jan 8, 8:00 PM
Ang topic ay... “How To Digital Marketing Business & Make Money In The Digital Economy”
I want to help you sa pagkuha mo ng mga goals mo this 2019.
Kung gusto mong umattend, register for free here: http://bit.ly/registerforlivewebinar
Pls be advised na 500 attebndees lang ang pwede maka-attend sa training na ‘to.
Make sure to secure your spot here: