Philippine Daily News Update

Philippine Daily News Update Información de contacto, mapa y direcciones, formulario de contacto, horario de apertura, servicios, puntuaciones, fotos, videos y anuncios de Philippine Daily News Update, Philipppines, Tijuana.

SUNOD-SUNOD NA ALEGASYON MULI NA NAMANG SUMABOG: MGA KASONG GRAFT AT KICKBACK, BINABALIKAN HABANG PATULOY ANG REKLAMO NG...
27/11/2025

SUNOD-SUNOD NA ALEGASYON MULI NA NAMANG SUMABOG: MGA KASONG GRAFT AT KICKBACK, BINABALIKAN HABANG PATULOY ANG REKLAMO NG PUBLIKO

Lumalakas muli ang usapin sa Muntinlupa matapos balikan ang mga reklamo at naunang kasong inihain sa Ombudsman laban kay Mayor Jaime Fresnedi, kaugnay ng umano’y graft, plunder, at milyon-milyong kickback sa lote at ilang kontrata.

Habang hindi pa tapos ang imbestigasyon, nananatiling mabigat ang isyu lalo na’t mga proyekto para sa flood-control at public service ang sentrong tinutukoy.

Sa gitna ng paulit-ulit na problema sa baha at kulang na imprastruktura, mas umiigting ang panawagan ng mga residente para sa malinaw na paliwanag, full transparency, at agarang aksyon.

Naninindigan ang publiko na dapat matigil ang alegasyon ng SOP at pag-abuso sa pondo, at dapat managot ang sinumang mapatunayang sangkot.



CONG. KHYMER ADAN TAING OLASO, KASAMA SA MAYROONG KICKBACKS SA FLOOD-CONTROL PROJECTS!Sa latest episode ng “public servi...
27/11/2025

CONG. KHYMER ADAN TAING OLASO, KASAMA SA MAYROONG KICKBACKS SA FLOOD-CONTROL PROJECTS!

Sa latest episode ng “public service kuno,” biglang sumikat ang pangalan ni Cong. Khymer Adan Taing Olaso matapos maiugnay sa umano’y kickbacks sa flood-control projects.

Ang ganda sana ng timing habang baha ang problema ng tao, baha rin daw ang kumikilos na pera sa likod ng mga proyekto.

Ang ironic lang na yung mga madalas magpahayag ng “tuwid na trabaho” ay sila ring lumulutang sa listahan ng mga dapat magpaliwanag. Modern governance, pero luma pa rin ang style.

At syempre, sa classic moves ng pulitika, hindi mawawala ang malinis-ang-image ko . Kung may “no kickback policy”, bakit may ganitong issue na sumusulpot?

Kung consistent sa integredad, bakit parang may pattern? Ito yung tipo ng kwento na hindi mo alam kung matatawa ka o maiinis, kasi paulit-ulit pero parang walang natututo.

Kaya habang hinihintay ng lahat kung may tunay na accountability o puro statement lang ulit, isang bagay ang malinaw pagod na ang publiko sa recycled na script.



EX-CONG HARESCO, LUMULUTANG SA KICKBACK — PERA RAW NG BAYAN, PANG-PA-FACELIFT PA?Sa Blue Ribbon hearing na parang season...
27/11/2025

EX-CONG HARESCO, LUMULUTANG SA KICKBACK — PERA RAW NG BAYAN, PANG-PA-FACELIFT PA?

Sa Blue Ribbon hearing na parang season finale ng “Paano Yumaman sa Proyekto,” lumutang ang pangalan ni Ex-Cong. Teodorico Haresco Jr. kasama ang iba pang mambabatas na umano’y kumikiba ng 10% hanggang 25% sa flood-control at iba pang public works.

Ayon sa mag-asawang contractor na Discaya, cash daw ang iikot, vouchers ang resibo, at kung hindi ka sasama sa “tradisyon,” biglang nagiging horror movie ang project approvals.

Mas lalong sumabog ang issue nang sabihin ng testigo na ilang pangalan kabilang si Haresco. Ang laging nasa eksena dahil sa koneksyon daw sa mga bigating backers.

At kung hindi pa sapat ang drama, may dagdag na chika na si Haresco raw nagpa-opera ng mukha gamit umano ang perang hindi naman sa kanya which, kung totoo, ay literal na “face value” ang pinaglaanan.

Habang ang publiko nagdurusa sa baha, tulad ng inaasahan, maraming nag deny, maraming nagtatapon ng “di totoo ’yan,” at marami ring biglang unavailable for comment.

BREAKING: Lumitaw ang pangalan ni Cong. Dan Fernandez sa umano’y listahan ng flood control kickback.May kumakalat na ale...
27/11/2025

BREAKING: Lumitaw ang pangalan ni Cong. Dan Fernandez sa umano’y listahan ng flood control kickback.
May kumakalat na alegasyon tungkol sa bilyon-bilyong “SOP” na inuugnay sa kanya.

Lumalakas ang ingay online matapos maisama ang pangalan ni Cong. Dan Fernandez sa umano’y flood control kickback list. Ayon sa mga kumakalat na alegasyon, bilyon-bilyong “SOP” daw ang konektado sa proyekto. Kahit hindi pa kumpirmado ang mga detalye, sapat na raw ang informasyon para magpaalab ng galit at inis ng publiko kasi ang pera ng kaligtasan, hindi dapat laruan.

Taon-taon, bumabaha. Taon taon, libo libong pamilya ang nagigising sa tubig sa loob ng bahay. Taon-taon, may budget na inilalabas. Pero bakit parang hindi umaasenso ang flood control? Bakit parang mas mabilis pang mag-viral ang listahan kaysa umusad ang mga solusyon

BREAKING: Pangalan ni Cong. Marvey, nagniningning sa listahan ng flood control kickback!Kumpirmado ang bilyones na "SOP"...
21/11/2025

BREAKING: Pangalan ni Cong. Marvey, nagniningning sa listahan ng flood control kickback!

Kumpirmado ang bilyones na "SOP" laban sakanya

Malinaw ang sentimyento ng bayan: Ginawa niyong gatasan ang kalamidad. Ang pondo para sa kaligtasan ng publiko, naging pondo para sa sarili niyong yaman.

Garapalan na ito. Mahiya kayo sa taumbayan mga kupal! Ang titigas ng mga muka sampo sa kasama mo!!!!

FACT 1 :Madami ring nag sasabing nakapag patayo sila ng mga mansyones nang pagkatapos umupo bilang Congressman si Arjo n...
28/10/2025

FACT 1 :
Madami ring nag sasabing nakapag patayo sila ng mga mansyones nang pagkatapos umupo bilang Congressman si Arjo na mali dahil bago pa siya umupo bilang isang Congressman ay naitayo na ito. Sa pamamagitan ni Korina Sanchez sa programang Rated-K ito nakita. Ang nasabing interview ay naganap noong Q1 2002.

FACT 2 :

Ang nasunog na tanggapan ng DPWH ay matatagpuan sa District 4 ng Quezon City—hindi saklaw ni Cong. Arjo na kinatawan ng District 1. Kaya’t malinaw na walang direktang kaugnayan si Atayde sa naturang insidente.

FACT 3 :

Mula sa pitong proyekto ng kanyang distrito, lima ang ganap nang natapos, habang ang dalawa ay pansamantalang natigil dahil sa mga teknikal na isyu—hindi dahil sa umano’y anomalya.

FACT 4:

DPWH na mismo ang nag sabi na ang mga proyekto ni Arjo ay tapos, malinis at dumaan sa transparent na paraan na naberipika ng ilang mga national media outlets.

Wala naman talagang ghost project sa Distrito ni Cong Arjo. Bakit tila hindi alam ni Mayor Joy Belmonte ang mga proyektong ito gayong sa City Engineering Office naman dumaraan ang lahat ng approval?

Bakit biglaang natigil ang mga projects ni Mayor Joy Belmonte nung natuklasan ng ilang netizens na may mga proyekto din sya sa mga Discaya?

Bakit pilit idinidiin ng tao si Arjo? Easy target kasi siya at ang kaniyang pamilya. Sikat sila, ang angkan nila ay mga artista simula dekada 60's pa.

Hindi naman sila siguro mangmang para hindi yumaman sa mga investments at sa mga trabaho nila na alam naman lahat ng tao kung gaano kalaki ang sahod o kita at kadami ang kanilang mga projects kaya hindi nakaka pag takang madami silang assets.

Credits to News5 for the picture.

Sen. Alan Peter Cayetano is questioning what he calls a pattern of ‘double appropriations’ in DPWH’s budget. Billions of...
02/09/2025

Sen. Alan Peter Cayetano is questioning what he calls a pattern of ‘double appropriations’ in DPWH’s budget. Billions of pesos worth of entries are now under the spotlight — will this push agencies to be more transparent?

Paalala para sa mga motorista!Suspendido ang number coding scheme sa Huwebes, August 21 bilang paggunita sa Ninoy Aquino...
19/08/2025

Paalala para sa mga motorista!
Suspendido ang number coding scheme sa Huwebes, August 21 bilang paggunita sa Ninoy Aquino Day na isang special non-working holiday.
Awtomatikong suspendido ang number coding tuwing official at special non-working holidays, pagpapaalala ng ahensya.

(Courtesy: MMDA)

ABISO SA MGA MOTORISTA Inihahanda na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang traffic plan para sa gagana...
18/08/2025

ABISO SA MGA MOTORISTA

Inihahanda na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang traffic plan para sa gaganaping 14th WorldSkills ASEAN Manila mula Agosto 25 hanggang 30, sa iba’t ibang lokasyon sa Pasay City.
Pinaalalahanan ang mga motorista na iwasan ang Marriott Grand Ballroom, World Trade Center, at SMX Convention Center Manila sa nasabing mga petsa dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao.

ILOILO CITY – Pinangunahan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkules ang inauguration ng expanded Iloilo Fi...
13/08/2025

ILOILO CITY – Pinangunahan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkules ang inauguration ng expanded Iloilo Fish Port Complex sa Barangay Tanza Baybay, isang PHP885.1-million modernization at capacity expansion project ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA).

Ang Iloilo Fish Port Complex, na tanging PFDA regional fish port sa Visayas, ay layong mapa-improve ang fisheries operations sa Western Visayas. Mayroon na itong 390-kilowatt-peak solar photovoltaic system na may 1,152 solar panel modules na naka-install sa mga key structures tulad ng bagong market hall, refrigeration at cold storage buildings, commercial at administration buildings, at public restrooms.

Ayon kay Iloilo City Representative Julienne Baronda, malaking hakbang ang proyekto para sa regional economic recovery. Binanggit din niya ang collaboration ng TIEZA, Department of Public Works and Highways (DPWH), at PFDA para sa planong extension ng seafood wharf para sa food tourism.

Source: Philippine News Agency

Sa kanyang ikaapat na SONA, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibabalik niya ang anumang budget na h...
12/08/2025

Sa kanyang ikaapat na SONA, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibabalik niya ang anumang budget na hindi nakaayon sa National Expenditure Program (NEP).

Ngayong araw, iprinisenta na ng DBM sa Pangulo ang NEP 2026, at narito ang Top 10 sectors na bibigyang-prayoridad sa pondo ng pamahalaan.

Source: PCO

Sabi ni PBBM, hindi raw siya “nagpa-pa-init ng ulo” sa China — naglalahad lang siya ng totoong sitwasyon. Kung sakaling ...
11/08/2025

Sabi ni PBBM, hindi raw siya “nagpa-pa-init ng ulo” sa China — naglalahad lang siya ng totoong sitwasyon. Kung sakaling may gulo sa Taiwan, malaki ang chance na maaapektuhan tayo dahil una, andyan ang 160,000 nating kababayan na nagtatrabaho doon; pangalawa, sobrang lapit natin sa lugar. Ayaw natin ng giyera, pero dapat ready tayo para masigurado ang kaligtasan ng mga Pilipino at maprotektahan ang teritoryo sa West Philippine Sea. Idinagdag din niya na kahit may tensyon sa Ayungin Shoal, walang utos mula sa gobyerno na umatras ang mga barko natin. Para sa kanya, malinaw na ayaw ng bansa ng gulo, pero kailangan maghanda at palakasin ang depensa dahil sa banta.

Source: Darryl John Esguerra | Philippine News Agency

Dirección

Philipppines
Tijuana
22206

Notificaciones

Sé el primero en enterarse y déjanos enviarle un correo electrónico cuando Philippine Daily News Update publique noticias y promociones. Su dirección de correo electrónico no se utilizará para ningún otro fin, y puede darse de baja en cualquier momento.

Compartir