14/10/2021
ANG PAG-ASENSO NG TAO AY NAGSISIMULA SA PAGKAKAROON NG KAISIPANG “AKO ANG MAY KONTROL SA BUHAY KO AT KUNG SAAN ITO PATUTUNGO!” AT PAGWAWAKSI SA KAISIPANG “BAHALA NA ANG TADHANA SA AKIN!”
TAYO ANG GUMAGAWA NG ATING TADHANA, HINDI TAYO BIKTIMA NG TADHANA!
Kung gusto nating umasenso sa buhay, kailangan natin na tayo ay may paniniwala na tayo ang may hawak sa manibela ng ating buhay at nasa ating mga kamay ang control kung saan papunta ang gulong ng ating tadhana. Kung wala kang ganitong paniniwala, wala ka ring control sa iyong tadhana at wala kang control sa iyong pag-asenso sa buhay o negosyo man. Tayo ang gumagawa ng ating tagumpay at tayo rin ang dahilan ng ating pagkabigo. Kailangan nating maging responsable sa mga nangyayari sa ating buhay at mga mangyayari pa at kung saan ito patutungo. Ang pag-asenso ay nasa ating positibong pananaw na tayo ang may control sa ating buhay at kung saan natin ito gustong patungo.
Huwag tayong mag-isip na tayo ay isa lang biktima ng tadhana dahil meron tayo kakayahan na kontrolin ang ating patutungohan. Kung ang iba ay pinili nila na huwag tanggapin ang responsibilidad na kontrolin ang kanilang tadhana at tanggapin ang kanilang paniwala na sila ay biktima ng tadhana, huwag natin itong tularan. Ang mga taong pinili na sila ay maging biktima ay karaniwang makikita sa kanilang mga paninisi at halos sinisisi na ang lahat sa ekonomiya, gobyerno, negosyo, employer, boss, mundo except ang sarili nila. Isang uri ng tao na pinili niya na siya ay biktima ay mariringan mo ng “ang pera ay hindi importante”. Kasama sa mga taong pinili nilang mag-isip na sila ay biktima ay mga taong laging nagrereklamo. Kung ang isang tao ay laging nagrereklamo sa ekonomiya, gobyerno, negosyo, employer, boss, mundo, etc at nagrereklamo na pangit ang buhay nila o ang patutunguhan ng buhay nila, for sure, negatibong pananaw ang makakamit mo at hindi ka nito madadala sa pag-asenso. Remember, “like attracts like”. Ang pagrereklamo ay nag-iimbita ng negatibong resulta. Iwasan sila dahil hindi ka aasenso kasama ang taong may ganitong kaisipan.
We are the master of our own ship and the captain of our own soul. Maniwala sa ating sariling kakayahan at sa ating paniniwala na meron tayong magandang kinabukasan. Maging positibo sa ating pananaw at mayroon tayong mararating.