13/03/2022
Sa TPC madaling makuha ang mga PANGARAP mo pero di ko sinabing madaling gawin yung negosyo. Walang trabahong madali, bawat piso ay pinaghihirapan. Madaling magreklamo, pero sa taong pursigido, ang bawat araw ay pagkatuto. Sakripisyo muna bago benepisyo. Barya2x muna bago maging milyonaryo.
Hindi inaawardan sa stage ang pinakamaraming reklamo kundi kung sino ang pinakamaraming nalagpasan at nasolusyunan ang mga reklamong dumaan sa karera natin. Wala kayong maririnig o mababasa na ang mga kumikita ng milyon ay nagrereklamo o nakikipagtalo sa maliliit na challenge.
Minsan kailangan mong magpatalo para manalo.
Minsan kailangan mong makinig para madinig.
Minsan kailangan mong manahimik para makapagsalita.
Minsan kailangan mong magbingi-bingihan para makarinig.
Minsan kailangan mong bumagsak sa pinakamalalim para tumalbog sa pinakamataas.
Gusto mo maging top earner?
Gawin mo ang trabaho mo, gawin mo ang part mo.
At ibigay mo ang best mo. Dahil ang top earner mindset ay "MANALO, MATALO, hindi ako magpapatalo." Matira MILYONARYO!"