BSIT Graphics Technology SHOP A.Y. 2025

BSIT Graphics Technology SHOP A.Y. 2025 Official page for Pampanga State University: BSIT - Graphics Technology 1st Year Shop A.Y. 2025-2026

01/12/2025
01/12/2025

๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ž๐—”๐—ก๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ | ๐—ฆ๐—” ๐—˜๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—–๐—ข๐—ฆ ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—ข

๐—–๐—˜๐—”, ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ถ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ฝ ๐˜๐—ถ๐˜๐—น๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ข๐—˜; ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฏ๐—ฎ๐—ผ ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€, ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐˜„๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ผ

Matapos ang apat na araw ng mainit na tunggalian sa 13 sports, muling napatunayan ng College of Engineering and Architecture (CEA) ang kanilang lakas sa palakasan matapos masungkit ang overall championship mula sa College of Education (COE) sa Intramurals 2025 na ginanap mula Nobyembre 25โ€“28.

Muling napasakamay ng Elasticos ang trono matapos makalikom ng kabuuang 119 medalya, kabilang ang 47 ginto, 45 pilak, at 27 tanso, sapat upang bawiin ang titulo na nasibat ng COE noong 2024.

Matatandaang natunghayan noong nakaraang taon ang pagwawakas ng COE sa makasayasayang 11-taong pamamayagpag ng CEA sa nasabing patimpalak.

Samantala, pumalo ang Lubao Campus sa ikalawang pwesto matapos maitala ang 29 ginto, 29 pilak, at 37 tanso, kabuuang 95 medalya, makikitang mataas ang inangat nito mula ika-15 puwesto noong nakaraang taon.

Bagamaโ€™t bumaba mula sa inaasam na back-to-back title, bumida rin ang COE sa ikatlong puwesto sa kanilang 28 ginto, 15 pilak, at 12 tanso, kabuuang 55 medalya.

Nagtapos ang kompetisyon sa huling araw, kung saan pinarangalan ang mga college at campus na namayagpag sa ibaโ€™t ibang larangan sa Awarding at Closing Ceremony sa pangunguna ng Office of Sports and Development (OSD).

Ulat ni Sean Mathew Dizon
Paglalapat ni Val Andrei de Vera



01/12/2025

๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ž๐—”๐—ก๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ | ๐—™๐—ข๐—จ๐—ฅ-๐—ฃ๐—˜๐—”๐—ง ๐——๐—˜๐—ก๐—œ๐—˜๐——

๐—–๐—œ๐—ง, ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜ ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—›๐—ง๐— 

Hinirang na bagong kampeon sa court ang College of Industrial Technology (CIT) matapos tuldukan ang tatlong taong pamamayagpag ng College of Hospitality and Tourism Management (CHTM) sa Men's Basketball, na nagtapos sa dikit na iskor, 62-59, kahapon, Nobyembre 28, sa Dr. Ernesto T. Nicdao Sports Center.

Matatandang CIT at CHTM din ang naglaban para sa basketball championship noong nakaraang taon ng Intramurals, na nagbigay pananabik at kaba sa madla sa muling pagtatapat ng mga koponan para sa gintong medalya.

Sa unang kwarter, ipinamalas agad ng CHTM ang galing bilang three-peat defending champion, kung saan kanilang pinangunahan ang tatlong magkakasunod na pagpasok ng bola, at tinapos ang round na may kalamangang pitong puntos laban sa CIT, 20-13.

Patuloy na umabante ang defending champs sa ikalawang kwarter, ngunit sinimulan na rin ng naghahamong CIT basketeers ang pagpapakita ng kanilang galing upang makahabol sa laro subalit hindi naging sapat, dahilan upang magtapos ang halftime sa iskor na 39-31, pabor pa rin sa CHTM.

Pagpasok ng ikatlong kwarter, unti-unting natinag ang CHTM matapos mabutasan ang kanilang depensa sa sunod-sunod na agresyon at pagpuntos ng CIT, na nagbigay ng five-point lead sa mga challengers sa pagtatapos ng kwarter, 47-52.

Lalo pang tumindi ang laban sa huling kwarter, kung saan ang umaapaw na kasigasigan ng magkabilang koponan sa pag-angkin ng championship ay nagresulta sa sunod-sunod na foul, dahilan upang magkaroon ng ilang beses na substitution habang patuloy ang palitan ng puntos at agawan ng bola.

Bagamaโ€™t dikit ang iskor ng dalawang grupo, hindi na naging sapat ang pagharang ng CHTM sa mga opensang ibinandera ng determinadong manlalaro ng CIT, na nagresulta sa three-point lead at pagselyo sa ginto ng challengers sa konklusyon ng matchup, 62-59.

Sa isang panayam ng The Industrialist, hindi naitago ni CIT head coach Elyvan Pineda ang tuwa sa nakamit nilang tagumpay, lalo paโ€™t sa mga nakaraang taon ay lagi silang pasok sa semis o finals ngunit bigong maiuwi ang mailap na kampeonato.

"Mga varsity yan (CHTM), mga magagaling, meron silang interbarangay, intertown, tapos yung iba SCUAA player, so proud kami na natalo namin sila," saad ni Pineda.

Inihayag naman ni Keem Kelly Gomez, isang manlalaro ng CIT mula noong first year at ngayoโ€™y huling taon na ng kolehiyo, ang dahilan ng kanilang pagkapanalo.

"Sinipagan lang namin, sinuwerte kami sa tres, nag-usap-usap kami sa loob kaya namin nakuha yung tagumpay,โ€ aniya.
iyoMedyo kabado po, pero nilalabanan para mapanalunan po yung championship game namin kasi marami po kaming sacrifice na ginawaโ€”practice, ganoโ€™n, kaya parang deserve naman po naming manalo," pahayag ni Ballescas.

Ang pagkapanalo ng CIT sa finals ang pumutol sa anim na taong paghihintay ng kolehiyo na makamit muli ang titulo sa kinasasabikang taunang patimpalak.

Bigo mang makuha ang four-peat win ng CHTM, napasakmay naman ng koponan ang pilak, habang tanso naman ang naiuwi ng College of Computing Studies (CCS).

Ulat ni Ronalyn Viray
Kuhang larawan ni Sophia Yumul



01/12/2025

๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ž๐—”๐—ก๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ | ๐—•๐—”๐—–๐—ž-๐—ง๐—ข-๐—•๐—”๐—–๐—ž ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—”๐—ž

๐—–๐—œ๐—ง ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด๐˜€ ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ ๐—ฐ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€, ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐—น๐—ฎ๐—ถ๐—บ ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜

A lasting legacy of dominance was once again reasserted by the College of Industrial Technology sepak champs as they defend their throne and dust off Pampanga State University - Porac Campus in the championship match of Menโ€™s Sepak Takraw tournament, held at the Pampanga State University Covered Court yesterday, November 28.

Despite a tightly contested start in the opening regu with both teams trading explosive attacks, CIT pulled ahead and carried their momentum through the second set, closing it out with scores of 15-10 and 15-5.

In the second regu, Porac campus showcased resilience as they tightened the score gaps and intensified the rallies but was not enough to earn a win as CIT regained their footing and ultimately closed the sets with scores of 15-13 and 15-10, securing a back-to-back championship in the competition.

In an interview with The Industrialist, John Carl Sepal Manao, a star player of CIT, shared his thoughts on facing Porac campus in finals.

โ€œMalakas naman talaga sila and nahirapan din kami kasi nagbabalasahan kami ng mga regu, and nahirapan din kami kung paano hulihin yung mga regu nila,โ€ Manao said, adding that the team did not feel pressured about the thought of failing a title repeat stint, but trusted that their unity will yield glory regardless.

When asked about defending the championship title, Manao expressed joy in securing yet another victory for their team, โ€œFeel like a championโ€ฆ masaya kasi worth โ€˜yung pagod namin sa training, and also lumilitaw yung training namin araw-araw and hindi yun nasayang.โ€

Meanwhile, the College of Engineering and Architecture (CEA) managed to snag the win against College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) in the battle for bronze, placing them third on the podium.

Report by Kirsten Sangalang
Photos by Hanah Mallari



01/12/2025
01/12/2025

Address

Pampanga State University/Main Campus
Bacolor
2001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BSIT Graphics Technology SHOP A.Y. 2025 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share