16/02/2026
KUNG HEI FAT CHOI! 🎊💥
Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Martes, Pebrero 17, 2026, isang special-non working holiday, bilang pagdiriwang ng Chinese New Year.
Awtomatikong sinususpinde ang number coding tuwing official at special non-working holidays.
Kadalasang mabigat ang daloy ng trapiko sa mga lugar tulad ng Binondo sa Maynila kung saan isinasagawa ng mga Tsinoy ang kanilang tradisyon.
Saan man ang inyong destinasyon, laging tandaan: planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho.