13/07/2020
Napanood nyo ba yung sa KMJS?
Taga airline company..
Nung naglock down nagtinda ng pares sa kalsada.
Stewardess..
Nagtinda ng fishball sa harap ng bahay.
Yung professional photographer, imbes na magmukmok dahil walang kinikita, nagbenta ng butchi..
Yung zumba instructor sa gym, nagdedeliver with matching dance number..
Wag ka mahiya mag negosyo..
Ang importante may makakain at hindi ka tumunganga.. Kilos! Galaw!
Huwag lagi umasa matuto ka magbanat ng buto sa panahon ngaun bawal ang tamad.
Huwag mo isisi sa gobyerno ang nangyayaring pandemya..
Maparaan tayong mga pinoy
Wag mong ikahiya kung ano ang kinabubuhay mo ngayon wala sa taas ng pinag aralan Yan
Dahil sa covid na to halos lahat ng Tao ay pantay pantay ngayon.
Diskarte sa buhay ang pairalin wag kaartehan , HINDI KA MAPAPAKAIN NG KAARTEHAN MO..