10/08/2020
"Love Ko To!", 2020
Sining ni SpellarJ
Tula ni Robinson Dave Corpuz
3D Art Done on 3D Blender
______________________________________
Minsan napapatanong ako
Saan aabot ang pera ko
Singkwenta pesos
Mapasaya ka lang sa piling ko
At palaging sagot sa tanong
Isang Large Fries
Large Fries ni pareng ronald
May sukli pang kinse pesos
Pamasahe, 'pag ika'y ihahatid
Di nama'y pambili
Pambili ng bagay
Bagay na nakamamatay
Sapagkat
Sapagkat isang tanong na walang kasagutan
Bakit mo ako iniwan
Sagot na araw-araw hinanap
Binalikan ang bawat daan
Binuksan ang lahat ng pintuan
Pumasok sa iba't ibang lagusan
Tinahak ang 'di inaasahang tulay
Sa piling ng iba tinakpan ang kalungkutan
Isang gabing pinakaaasam
Muli kang nakasama, bumalik ang pag-asa
Takot at kaba sa muling pagkikita
Takot at kaba at takot at saya
Ngunit mundo'y tumigil sa katotohanang
Tapos na, wala na, umaga na
Katulad ng fries ni pareng ronald
Maraming pagpipilian ibang laki ibang laman
Pero isa lang ang binabalikan
Singkwenta pesos ko doon nakalaan
LOVE, mananatili sa 'yo ang pag-ibig
KO, tumigil man ang paghingang
TO, maubos man ang lahat ng pera ko
------------------WAKAS--------------------
____________________________________
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Did you like this piece?Buy them some fries ^^
Send love to the Writer:daveressants34 / Robinson Dave Corpuz
Send love to the Artist:
Spellar Goducat
Want your work to be featured? Message us for inquiries!
All artworks and contents posted on this site are copyrighted by the respective artists. Any form of distribution (electronic or not), without prior consent, is strictly forbidden.